Chapter 17

7.5K 156 3
                                    

JHO

Halos 1 week na rin nang simulan namin yung project. Focus ang lahat dahil determinado kaming magawa nang maayos at matapos sa tamang oras tong project na to.

Hindi na rin kami madalas magkita ni Bea dahil minsan wala siya sa office para magpunta sa mga site or kami naman minsan ang wala.

I admit na medyo namimiss ko siya. Nag-aalala nga rin ako sa kanya eh. Nasabi kasi ni Kate na nakakalimutan na daw niya minsan kumain or magpahinga dahil gusto niyang unahin ang mga dapat niyang gawin. Yun nga lang wala naman akong magawa dahil naiintindihan ko naman kung para saan ang ginagawa niya pero mas importante naman yatang unahin niya minsan ang sarili niya.

Majoy: Jho. Complete na ba lahat ng nasa list mo? Wala na bang kulang na material para sa site?

Me: Oo okay na naman 'to. Kasama na dito yung na kay Cyd. Here oh. May kailangan ka pa ba?

Majoy: Wala na naman pero pwedeng favor?

Me: Sure. Ano ba yun?

Majoy: May hinahanap pa kasi akong mga papers eh..

Me: Ah okay sige. Tulungan na kitang hanapin yun ano ba yun?

Majoy: Ah hindi, Jho. I mean may hinahanap pa kong mga papers kaya kung pwede sana ikaw muna magdala nitong lahat ng list sa site. Inaantay kasi ni Ma'am Bea eh. Kailangan niyang ma check muna lahat ng yan bago ipabili. Okay lang ba?

Nawala naman ako sa wisyo sa sinabi ni Maj. So, makikita ko na si Bea? Hahaha! Charaught. Work muna, besh.

Me: A-ah osige no problem. Ako nalang magdadala. *smiles

Majoy: Thank you, Jho. Ingat ka ha?

Me: Sige sige.

Agad naman rin akong nagpahatid kay Manong kung saan ang site na pupuntahan ko.

Medyo traffic pero nag kibit balikat nalang ako. Wala naman kasing bago. Maiintindihan naman siguro ni Bea kung male'late saglit tong mga list ng materials.

Tumingin lang ako sa labas dahil ang bagal parin ng usad ng sasakyan. Tanghaling tapat naka mannequin challenge mga sasakyan grabe! hahaha.

After 10 minutes nang pag-iintay na makarating ako sa site, wala parin. Nainip na ko dahil kung kailan naman malapit na dun pa talaga kailangang ma traffic ng sobra kaya bumaba nalang ako para lakarin.

Me: Manong, dito nalang po ako.

Manong: Sigurado ka ba?

Me: Opo eh kailangan ko po kasing ihabol tong dala ko. Eto po bayad. Keep the change po. *smiles

Manong: Ay nako iha, hintayin mo na tong sukli mo. Hindi ako tumatanggap ng sobra dapat sa lahat patas.

Sabi ni manong habang kumukuha siya ng pangsukli sakin. Nakakatuwa naman. Sana lahat ng driver katulad ni kuya.

Manong: Oh eto na. Ingat ka, iha.

Me: Salamat po. Ingat rin po kayo.

Tumango nalang si Manong tsaka ako bumaba sa sasakyan.

Mabuti nalang may dala akong payong kaya keri lang kung lakarin ko.

Maya-maya nakarating na rin naman agad ako.

Hinahanap ng mga mata ko si Bea pero tanging mga workers lang yung nakikita ko kaya nilapitan ko yung isang lalaki para magtanong.

Me: Ah hello kuya? Tanong ko lang po nasaan po si Ma'am Bea?

Kuya: Nandun po oh nagpapahinga po.

Me: Ah okay salamat po.

Pinuntahan ko naman agad siya kung saan si kuya tumuro and nakita ko nga siya dun ng...

Perfect Strangers Where stories live. Discover now