Chapter 38

5.8K 107 20
                                    

Yung makita mo lang na kumakain kayo ng pamilya mo sa isang lamesa kasama ang pamilya ng taong mahal na mahal mo ay sobrang laking bagay na.

Kelan ko nga ba sila nakitang ganitong ka welcoming sa taong ngayon palang nila lubusang nakikilala?

Parang panaginip lang ang lahat ng nangyayaring ito pero sa lahat ng panaginip, ito ang pinakamasarap sa pakiramdam at parang ayoko ng magising pa.

"Love.." mahinang tawag sakin ng Jhoana ko.

"Yes love? Ano yon?"

Hinawakan niya ang tuhod ko at hinaplos-haplos ito.

Napatingin naman ako sa kanya dahil sa ginawa niya at natawa nalang.

"Thank you po."

Napakunot ang noo ko dahil sa pangatlo na yata niyang pagt'thankyou. Haha!

"Love.. Pangatlo na yan. Wala ka namang dapat ipagpasalamat e."

Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay niya na nakapatong parin sa tuhod ko.

Mahawakan ko lang ang kamay ng babaeng 'to para na akong lumulutang sa alapaap. Dati ay itinatanggi ko pa sa sarili ko na napapasaya ako ng taong ito at napapamahal na ako sa kanya pero ngayon ay parang tila gusto ko na isigaw sa buong mundo na talagang na fall na ako ng sobra sa kanya. 😍

"Di ko alam kung ano bang nagawa ko love para maging deserve ko yung ganitong klaseng pagmamahal mula sayo at kila Tito and Tita. Tingnan mo oh parang nakalimutan na nila tayo at parang may kaniya-kaniya na silang mundo."

Napatawa naman ako sa huling sinabi niya. Gusto niya siguro is may sarili din kaming mundo? 😉😅 Siguro mamaya nalang?? Jk! 😜

"Ikaw talaga. Diba lagi kita nireremind na itong lahat ng ginagawa ko para sayo lalo na tong pagmamahal na binibigay ko is gusto ko talagang ibigay. Hindi mo kailangan mag-isip kung ano bang nagawa mo para maging deserve mo lahat ng 'to kasi diba lagi ko namang sinasabi sayo na IKAW LANG, MAGING IKAW LANG AT MAGIGING TOTOO KA LANG SA SARILI MO AT SAKIN, YUN LANG KAILANGAN KO AT SAPAT NA LAHAT."

Nakita ko ang unti-unting pamumuo ng mga luha niya. Ang dali talaga mapaiyak nitong mahal ko. Nandito pa naman kami sa harap nila Mom/Dad at ni Tita Lovel, baka sabihin di pa kami official ni Jho pinapaiyak ko na. Huhu!

"Love, gusto mo taas muna tayo? Maya nalang tayo pumunta kila Jia sa garden? Hindi parin naman tayo complete eh."

Tumango lang siya bilang sagot. At dahil kabisado ko na 'tong mahal ko kapag ganito syang naiiyak sa sinasabi ko, alam kong kailangan namin ng time muna sa isa't-isa, yung parang heart to heart talk ba.

Naiintindihan ko rin naman kung bakit siya ganitong ka emotional. Hindi niya kasi inaasahan na may isang tao pang magmamahal sa kanya. Akala niya kasi yung ex na niya yung huli at forever nalang sya mastuck sa experience na yon pero syempre dahil ako na to gusto ko talaga maiparamdam sa kaniya na sobrang enough siyang babae para mahalin. 💜

Nagpaalam muna kami sa kanila na tataas muna kami at magpapahinga. Bilang hindi parin naman talaga kami complete dahil hindi pa dumadating sila Miguel, Cole and Ponggay.

Nang pataas na kami sa room ko ay biglang sumulpot si Maddie sa harapan namin ni Jho at bigla kaming hinarangan.

"Hep! Hep! Hep! San punta?"

Pinigilan ni Maddie si Jho umakyat pataas sa paraang hinatak niya ng mahina si Jho at nag cling sa braso.

Minsan, ang clingy din nito ni Maddie kay Jho eh buti nalang at may boyfriend na 'tong si Maddie kundi pagseselosan ko sya. Hahahaha. Joke lang.


Perfect Strangers Where stories live. Discover now