Chapter 18

7.1K 146 1
                                    

JHOANA

Me: Ang tanga mo Jho. Ang tanga tanga mo. Tss.

Napasapo nalang ako sa mukha ko sa mga sinabi ko kay Bea. Jusko. Kainin na sana ako ng lupa ngayon din. Waaaah.

Andito ako ngayon sa cr sa kwarto parin ni Bea. Kanina pa siya kumakatok pero wala pa akong maihaharap na mukha sa kanya.

"Bakit kasi masyado napahaba yang hanash mo eh. Pwede mo namang sabihing nag-alala ka pero yung mahalaga? Double meaning non, Jho. Tanga mo." i thought

Bea: Hey, Jho. Open the door.

Sabi niya habang kumakatok parin sa pinto.

Jusko lord. Ano bang nasabi kong kalokohan.

"Hindi naman yon kalokohan, Jho. Wag kang ano. Totoo namang mahalaga si Bea sayo."

Iba rin 'tong isip ko. Aish. Nakiki simpatya pa.

Pero totoo naman eh mahalaga na sakin si Bea yun nga lang hindi ko pa alam kung ano at paanong mahalaga. Ayoko namang isiping mahalaga siya in a way na parang nagkakagusto na ako sa kanya dahil unang una masyadong mabilis tsaka boss ko siya. Very very wrong, Jho. Hayst!

Kumalma na naman ang loob ko nang hindi na siya kumakatok. Baka wala na siya.

Muka pa akong engot dahil dinidikit ko pa tengga ko sa pintuan para marinig kung nasa labas ba si Bea oh ano.

Me: Wala na naman siya siguro. Jusko lord kayo na bahala. Wala akong maibibigay na paliwanag sa kanya pero bahala na po.

I took a deep breath bago ko buksan ang pinto at lumabas.

Me: Ay lintek!

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang dumungaw si Bea.

Muli na naman akong kinabahan. Bigyan pa baman ako ng malaking ngiti.

Dati, natutuwa pa ako kapag nginingitian ako ni Bea pero ngayon kinakabahan na ako.

Bea: Tara kain na tayo?

Nakangiti niyang sabi at inilahad pa niya yung kamay niya sa akin.

Nagulat ako dahil mukang hindi niya binig deal yung nasabi ko. Okay na rin yon dahil wala talaga akong maipapaliwanag na matino sa kanya.

Hinawakan ko nalang naman ang kamay niya at nagpunta na kami sa kitchen.

Hindi ko nalang ipinaramdam sa kanya na naiilang ako.

Ako ang nagsimula nito tas ako ang maiilang? Ay nako. Buti pa si Bea mukang hindi big deal sa kanya. Medyo nalungkot naman ako pero hayaan nalang.

Me: Nako. Ikaw ang may lagnat tas ikaw pa maghahain. Ako na dyan bea. Upo kana dito.

Nginitian niya naman ako at nakinig sakin.
Bea: Thank you for taking care of me, Jho.

She softly said.

Umakto nalang rin ako ng normal.

Me: No worries. Masyado ka kasing pabaya sa sarili mo. Ayan nangyari sayo. Okay ka na ba?

Bea: Sorry naman. Sorry ha? Sorry nga pala kung napag-alala kita.

Para naman akong nanigas sa sinabi niya kasabay non ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Ganito na ba ngayon ang impact ni Bea sakin? Hay.

Me: Wala yun. Syempre kaibigan kita. Ayoko namang may mangyari sayo.

Inilapag ko na yung kanin at pinaglagyan ko na rin siya ng ulam.

Naiilang ako dahil nakatitig lang siya sakin.

Perfect Strangers Where stories live. Discover now