Chapter 42

1.9K 26 0
                                    

EJ's POV

Nagiipon ako ng lakas nang loob ngayon sa harapan ng pintuan ng condo ni Riri.

I just realized na kapag may misunderstanding kami, she's always the first one na hihingi ng sorry kaya ngayon, its time naman na ako na yung unang makipagayos sa kanya.

I just took a deep breath and started knocking.

When she opened the door, as expected sobrang gulat siya. Ilang seconds lang ay nabalik na ulit sya sa sarili nya.

"W-What are you doing here?"

Hindi ko na sinagot ang tanong nya at agad nalang syang niyakap. Namiss ko siya nang sobra. Ganon pala yun, kapag ilang araw mong hindi nakikita at nakakasama yung taong nakasanayan mo na laging nasa tabi mo, sobrang mamimiss mo sya.

I just closed my eyes while hugging here. Nung una hindi pa nya sinusuklian ang yakap ko pero nang nagtagal ay naramdaman ko ring niyakap nya ko.

"Okay ka lang? May problema ka ba?" She asked again..

Umalis ako sa pagkakayakap sa kanya. Bakas sa mga mata nya yung pag-aalala sakin. Naiiyak ako dahil nag fflashback sa isip ko lahat ng efforts and sacrifices na ginawa nya sakin and yet I'm here puro sama nang loob at sakit ng ulo binibigay sa kanya.

"Hey, speak up! Wala ka pang sinasagot sa mga tanong ko. May problema ba? May nangyari ba sayo? Are you okay?"

She held my chin at tiningnan ang bawat gilid ng mukha ko na para bang chincecheck nya kung may sugat ba ako or something. (Basta gets nyo na yon)


"Namiss ko lang bestfriend ko. Namiss kita!"

She smiled a bit. She held my hand at nagtungo kami sa may couch.

"You can text or call me naman diba kapag namimiss moko. 'Di mo naman kailangan magpunta pa dito. Malayo to sa condo ni Kianna. Gabi na din oh. Bat pinayagan ka pa non umalis?"

Parang naiinis sya kay Kianna dahil pinaalis pa ko pero alam ko naman na worried lang sya dahil malayo talaga 'to sa place ni Kianns.

"Maging happy ka nalang na pinuntahan kita dito. Ikaw naman!"

I slapped her face pero syempre mahina lang. Lambing ko lang kasi sa kanya yon minsan kaya natawa naman sya sa ginawa ko.

"I'm happy naman and gulat at the same time. Di ko ineexpect na pupunta ka dito. Makikipagbati ka noh?"

Agad akong sumang-ayon sa sinabi nya. Napalitan ng pagiging seryoso ang mukha naming dalawa.

"I just wanna say sorry lang about our argument. Sorry because hindi ko pinakinggan mga sinabi mo sakin instead minasama ko lang lahat ng yon. I know na iniisip mo lang yung ikabubuti ko kaya naging ganon ka sakin."

Nagiging shaky yung boses ko na parang maiiyak. As in sobrang guilty din naman talaga ako after that away lalo na nung pina realize sakin ni Kianna yung mga nasabi ko sa kanya. Yung pagiging rude ko to be exact.


"Alam mo bago kapa magpunta dito at humingi ng sorry, pinatawad na kita. May mga mali din ako that time. Nasaktan ko feelings mo. Pareho lang tayong hindi nakinig sa sinasabi ng bawat isa. Tama ka rin naman din. Hindi ko pwedeng ipilit sayo nang ipilit yung mga bagay na hirap ka pang tanggapin. Akala ko kasi kapag paulit-ulit kong sinasabi sayo, eventually mababago mo but I was wrong. Nasasaktan narin pala kita sa mga pagkakataon na akala ko natutulungan kita and I'm sorry for that Ej."

Niyakap lang ako muli ni Riri. How did I get so lucky? Graaaabe!! Iba tong bestfriend ko. 😭😭

"You are forgiven. I hope this is the last time na magaaway tayo. Ang hirap pala."

Perfect Strangers Where stories live. Discover now