"Hehe. Sikat pala ako no? Keme lang. Pasok ka nandun na sila sa loob" medyo bumalik ako sa katinuan dahil sa casual na sabi niya. Maybe, she already healed.
Napailing nalang ako sa inasta niya, she's still the same, nagsimula nadin akong maglakad papasok ng bahay nila, nilingon ko muna siya bago tuluyang pumasok at nakita kong nagpipigil siya ng tawa.
Kabang kaba akong harapin siya tapos pagdating ko dito ganon lang siya? Ibang klase talaga yun tsk.
Well, ayos nadin naman yun kung tutuusin.
"Anong arte na naman ito Andrew?" bungad ko sa kanila. Agad naman silang napalingon sakin, napatingin ako kay bunso. She looks uneasy.
"Arte na yun sayo? Napaka-aga mong dumating ah. 2 ang usapan anong oras na?" saad ni Andrew. Hindi ko nalang siya sinagot at naki-upo sa gilid ng sofa na kinauupuan ni bunso.
"Suplada mo bunso. Any prob?" pangungulit ko sa kanya. Agad naman siyang napairap sa inasta ko.
Manang mana talaga siya ng katarayan sa ate niya haha. Napasobra lang ang sa ate niya psh.
"Tss. Don't talk to me kung ayaw mong sabutahin ko ang mga kantang ilalabas ng banda niyo" masungit niyang sambit na dahilan upang mapatawa ang lahat.
Ang cute kasing mapikon nitong bunso naming si Aya, pero mabait naman siya sobra kaya nga siya ang Composer ng Endless band e aside from her talent, maayos pa ang attitude.
"Iba ang aura ni Aya ngayon ah? Kalma bunso haha" komento ni Kuya Pao.
Maya maya pa ay nagsidatingan na sina Wendy at ate Yvone na finacée ni kuya Pao. Nalate sila gawa ng wala daw sanang balak umattend itong si Wendy dahil masama ang pakiramdam pero dahil makulit si ate Yv napilit niya ito. Actually, nagpaiwan pa sadya ito para antaying mag bihis si Wendy kaya naunang makarating sina Kuya Pao at Khae.
"Actually guys, this is not just a simple and ordinary jam na icecelebrate natin ngayon. Kaya hindi ko inallow na may kulang satin ngayon, because today nais kona ring magpaalam sa inyo" pag-iinform samin ni Kuya Pao na siya namang kinagulat naming lahat. Lahat means even ate Donna and Daniella. Well, except Andrew.
He knew since siya ang leader ng banda.
"Whaaaaat?! You're joking right?!" medyo naiiyak na sambit ni Khae ng medyo makarecover siya sa balita. Agad naman siyang niyakap ni Wendy at hinagod ang likod nito. She's too affected because in all members of Endless, si Pao ang pinaka-close niya.
"I'm serious here kakay. Really. We'll migrate in Taiwan para ayusin at paghandaan ang kasal namin ng ate Yvone niyo. But it doesn' t mean na wala na akong pakialam sa banda, it just that hindi na ako ang gitarista niyo but since our band don't have a manager yet, Yvone and I will take the position as your manager" dahil sa sinabi niyang yun ang mga mukha ng girls na parang namatayan kanina ay muling nagkaroon ng buhay.
Double celebration nga ang naganap sa bahay nina Andrew, ang pagkakaroon namin ng manager at ang pagdating ni Daniella. May mga pagkakatong titingin ako sakanya pero nakatingin na pala siya sakin kaya bigla siyang umiiwas ng tingin, madalas namang scenario ngayon ay titingin siya sakin but she will catch me already staring at her instead of avoiding her gaze gaya ng ginagawa niya lalo kopa siyang tinititigan which led her to walkout.
Hindi parin nagbabago ang epekto ko sa kanya ha?
****
~Daniella~
Nakakainis lang. Bat ganon ang lalaking iyon? Tsk. Parang shunga e ang sarap iumpog sa pader. Aba naman maya't maya ay natingin sakin!
Nahuhuli mo? So it means, nasilay karin sa kanya?
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love
FanfictionUnforgotten Love Story of Daniella Jepsen and Andrei Cortes