#8ULNoone

7 0 0
                                    

Hindi ko alam kung anong sumapi sakin para sundin ang sinabi ng kapatid ko na mag ayos nalang ako ng sarili ko. Before going to my bathroom I glanced at my wall clock for the last time, it's already 7:30 in the morning.

Agad naman akong nag ayos at ginawa ang morning rituals ko. Nagsuot lang ako ng simpleng pink blouse at jeans. Nagdoll shoes nalang ako para madali ang pag aayos ko. Bago tuluyang lumabas ng kwarto humarap muna ako sa whole body mirror ko, so far kahit simple lang ang suot ko dyosa parin akong tingnan hehe.

Pagkalabas ng kwarto ay sumilip muna ako sa salas, at mula dito ay nahagip ng mata ko ang isang lalaking nakablack V-neck shirt at nakapants, anong ginagawa ni Andrei dito?

Dali dali akong bumaba ng hagdanan at hinarap siya,

"Ang bagal mo paring kumilos aa" pag rereklamo niya.

Siya ba talaga ito, bat ang fc naman ata masyado?

(Fc- short term for feeling close)

"And what are you doing here?"

Hindi ko mapigilan ang pagtataray sa lalaking ito.

"Tama na ang daldal. Sige tito Andy, ate Donna, una na kami ha" pagpapaalam niya.

At ang mas kinagulat ko ay ang paglabas ni Papa mula sa kusina na may dalang dyaryo, " Sige Hijo. Mag iingat kayo"

Ano daw? Mag-iingat kayo?

"What do you mean by that Pa?" naguguluhan kong tanong

"Si Andrei na ang bahalang mag paliwanag Ella. Just go with him para maaga kayong makauwi" matapos niyang sabihin yun umupo nalang siya sa salas at muling nagbasa ng newspaper na hawak niya.

Tumingin naman ako sa lalaking kasama ko pero nagkibit balikat lang siya bago ako tuluyang hatakin papalabas ng bahay.

"Ingat kayo. Enjoy sis" pabahol ni ate bago kami sumakay ng kotse.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Makaasta ka parang close na close tayo ah" -Ako

Nakakainis ang taong ito. Bat nga ba ako sumama in the first place?

Curiousity. Tama, curious lang ako.

"Close naman tayo ah? Tingnan mo nga ang lapit lapit natin sa isa't isa" nakangisi niyang sabi sabay ayos ng seatbelt ko.

Agad naman akong nakaramdam ng pag init ng mukha ko.

"Talk to my hand Andrei Cortes" pambabara ko sa kanya.

Pero imbes na mainis sa inasta ko, tinawanan lang niya ako.

Sa totoo lang namumuro na ang lalaking ito sa akin, ang sarap sapakin e.

****

~Andrei~

Mga bandang 6:30 ng makapunta ako sa bahay nina Daniella, at ang babaeng yun? Tulog na tulog pa. Natatawa nga ako sa ginawang pagsigaw ni ate Donna para magising ang kapatid niya, effective masyado.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unforgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon