#5ULCompleted

7 0 0
                                    

~Aya~

Dahil nga may pagka-loner akong tao nandito ako ngayon sa itaas ng puno. Well, hindi naman ito ganong kataasan.

Nagbabalik tanaw lang ang drama ko.

"Kailan ulit tayo magkikita?"  sambit ko sa sarili ko.

Para lang akong baliw kasi sarili ko ang kinakausap ko habang nakatanaw sa bahay kung saan una at huling beses ko siyang nakita. Halos ilang minuto narin akong nakaupo sa taas kaya naman ng nangawit na ako buong pwersa akong tumalon pababa. Agad akong naupo sa ilalim ng puno at kinuha ang gitara kong nakasandal dito.

Nagstrum lang ako ng nagstrum dahil wala akong matripang tugtugin. Hanggang sa naisipan kong gumawa ng kanta na para sa kanya..

*flashed*

"Whatda! Kumidlat ba?" gulat na sambit ko sa sarili ko dahil wala naman akong ibang kasama.

Bigla nalang kasing may lumiwanag sa kinapupwestuhan ko, nag intay ako ng kasunod na thunder pero walang akong narinig.

Napamasid nalang ako sa paligid ko at nahagip ng mata ko ang isang lalaking naka-black na hoodie na nagmamadaling pumasok ng pintuan ng bahay nina Art.

Oonga pala, si Art ung lalaking nakita ko before. Astig ng pangalan niya no? Art ng buhay ko hehe

"Sino yun? Tsk jusko naman. Kumidlat nga lang siguro mukhang takot sa kidlat ung lalaking yun e"  muli kong sabi sa sarili ko bago tuluyang tumayo at naglakad pauwi sa bahay.

Halos ilang linggo nadin pala akong hindi nakakatambay sa puno na yon. Masyado akong naging busy dahil sa pagdating ni ate ella e.

****

~Daniella~

"Grabe ka Theo! Wala ka man lang pasalubong sakin parang wala tayong pinagsamahan e" sambit ko sa kanya na kakapasok pang ng bahay nila. Pano ba naman kahit isang damit o chocolates wala man lang dala.

Guys nalilito naba kayo? Okay then I'll explain to you. Halos isang oras palang ang nakakalipas ng dumating itong si Theo galing LA. Pano ko nalaman? Well, tinawagan lang naman ako ni Tita Malou dahil wala atang balak ang lalaking ito na sabihan ako. Muli ko siyang binalingan ng tingin pero mukhang medyo hinahapo parin siya.

"Anong nangyari sayo? Parang hinabol ka ng kabayo" puna ko sa kanya.

As usual, bilang isang suplado sa istoryang ito tiningnan niya lang ako at "Tss. Nothing" lang ang sinagot niya sakin sabay lakad papunta sa kwarto niya habang may nakasabit na Dslr sa leeg niya.

Bastos talaga ang lalaking ito! Alam niyo bang hindi man lang yan bumati sakin ng madatnan niya ako dito sa bahay nila? At ang sinabi lang niya sakin, "You're here? Tsk" napaka-lambing na tao jusko.

-   -   -

"By the way, Andrei told me na may kilala daw na pedeng maging gitarista itong kapatid kong si Ella" sambit ni kuya sa kung sino mang kausap niya sa phone.

Andito kami ngayon sa may salas at nanunuod ng mga music videos sa myx. Actually ako lang yung nanunuod since may kausap nga siya sa phone  tas si ate naman ay nasa mall kasama ang mga kaibigan niya.

"Yea ganon na nga. Inform the others to be here on time. Please. Exactly! Haha we have to beg the man she's talking about. Thanks" saad pa niya. So ung sinasabi kong gitarista ang binabanggit niya sa katawagan niya?

"Hoy kapatid, can you do me a favor?" tanong niya sakin na dahilan para tumaas ng kilay ko.

"Ano naman yun?" ang daming knows e. Ayaw pang diretsuhin.

Unforgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon