~Wendy~
"Hays. Ang gwapo niya talaga ate Wendy ano? Grabe" kinikilig na sambit sakin ng kasama kong si Khae.At halata naman sa itsura niya na may gusto na siya agad kay Theo. Sabagay, kung ka-edadin kolang din ang batang yun baka magkacrush din ako sa kanya. Khae was right, Theo is a handsome guy. Btw, hindi ako fc para tawagain siyang Theo, siya na mismo ng nagsabi samin na "Theo" nalang daw ang itawag sa kanya. Masyado daw formal ang Matthew
"Yeah right Khae. Kanina mo pa yang bukam-bibig e. Halatang namang crush mo na siya" tugon ko sa kanya.
Andito nga pala kami sa garden nina Andrew. Nagpapahangin lang tutal tapos na naman ang usapan sa loob, napag-isipan kong lumabas muna saktong sumunod naman itong si Khae.
"Dipa rin kayo nag-uusap?" tanong niya sakin dahilan para mapatingin ako sa kanya.
She's concern about us. Even if wala namang kami.
Umiling lang ako, "Nothing to talk about Khae. Mas okay narin ito"
Para naman kahit papano ay maka-move on ako..
"Hindi ako, kami, sanay na hindi kayo nagpapansinan ate" malungkot niyang sabi.
Bumuntong hininga nalang ako "Kahit ako naman Khae, masakit para sa akin na ganito ang sitwasyon namin"
Kung hindi lang ako madaldal hays. Edi sana okay pa kami.
"Mahal ka niya" she said out of nowhere. Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya, napansin niya atang wala akong magsalita, "He loves you but the problem is he don't know how to approach you correctly" dagdag pa niya.
I laugh bitterly, "Khae ayos kalang? Tsk haha. Ano kami teenager? Pabebe lang ang drama? Tss"
This time siya naman ang bumuntong hininga, "He'll explain to you soon ate. Wag kalang sana mapagod na mahalin siya" matapos niyang sabihin yun ay umalis na siya at pumasok sa loob.
Sa totoo lang medyo ramdam ko nadin naman noon pa na may pagtingin din sa akin si Andrew. Even her younger sister Donna told me that. Mahal nga daw ako ng kuya niya, tanga lang daw.
At dahil mas tanga ako, I believed her. I believed them. Hanggang sa nangyari nga ung pag-umapaw ng galit niya sakin nung magpeperform kami sa Bornett's restau lahat ng pag-asa ko parang biglang naglaho..
That time ko napatunayan na umasa lang pala ako...
"Bakit ganito? Noon pa man magkasama na tayo, but still you never see my worth. Siguro nga kailangan kona talagang kalimutan ka" I can't hold back my tears while saying those words. Kampante akong walang makakarinig sakin dahil lahat sila ay nasa loob lang.
At mukhang doon ako nagkamali,
"At sinong nagsabi sayong hindi ko nakikita ang halaga mo?" Nakatalikod man ako mula sa pinanggagalingan ng boses, alam na alam kung kanino ang boses na iyon.
Para akong naistatwa sa kinauupuan ko ng umupo siya sa isang upuan na nasa harapan ko. Isang table lang ng namamagitan sakin.
"Sinong nagsabi sayo na balewala kalang sakin all this time?" sambit pa niya sa akin. Nanatili parin akong nakatungo dahil hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya..
"Look at me" n -siya
Wala parin kong kibo. Ayokong makita niyang umiiyak ako..
"Look at me Wends" he said while lifting my chin.
BINABASA MO ANG
Unforgotten Love
Hayran KurguUnforgotten Love Story of Daniella Jepsen and Andrei Cortes