#7ULRiddle

7 0 0
                                    

Sobrang dami ng nangyari sa buong maghapon na ito kaya naman ramdam na ramdam ko ang pagod ngayon. Nakauwi na nga pala sila kaninang bandang mga 9pm. Si Andrei naman ang nagprisinta na maghatid kay Aya since may sasakyan naman siya at busy rin si kuya.

Anong ginagawa ng kapatid ko? Busy lang naman sa pag bawi kay ate Wendy. Andami pa kasing arte e, buti nagkaroon na siya ng lakas ng loob. Balita ko kinausap siya nina Ate Donna at Andrei nung isang araw, mukhang natauhan sa payo ng dalawang yun.

Anong base kaya ng lovelife ni Andrei?

Anong nangyayari sakin? Tsk. Wala akong pakialam sa lovelife nun, kung ako nga wala din e.

Balik tayo kay Aya. Medyo may kakaiba akong napapansin sa kanya kanina, parang tahimik niya masyado at hindi nagsasalita. Base on her expressions, she looked confused for some reason.

Si Theo naman parang hindi mapakali, siguro naninibago lang. Thanks to Khae na laging kumakausap sakanya para hindi siya ma-out of place.

Iba talaga ang hatak ni Theo, nabihag agad ang puso ni Khae e.

Pero syempre tuloy parin ang plano ko sa kanilang dalawa ni Aya haha.

Tuloy parin ang plano kong maging friends sila, Theo needs that since dito na siya mag aaral.

Nasa kanila na yun kung gusto nila ang 'more than friends' hehe.

Unti-unti ko naring naramdaman ang pagbigat ng mata ko kaya naman napagdesisyunan kona ring matulog.

-     -      -

"Oh, so you're still here Ms. Jepsen? Akala kopa naman hindi ka makakatagal sa section na ito tsk" sambit ng isang matangkad na babaeng nasa harapan ko. Her name is Alexandra. Kasama niya ang mga alipores niyang nagmamaganda.

Sa pagkakaalala ko siya ang muse ng year level namin kaya kung makaasta akala mo kung sino.

"Hays. Proudly to say nakailang buwan na ako sa section niyo" walang takot kong sambit sa kanila.

Magsasalita pa sana siya ng bigla ko siyang talikuran upang umalis, pero agad din akong napatigil dahil sa mga katagang binitawan niya na talaga namang hindi ko nagustuhan.

"Kinakausap pa kita kaya wag mokong talikuran. Ganyan kaba pinalaki ng nanay mo?" walang pakundangan niyang sabi.

Muli ko siyang hinarap dahil sa sinabi niya, tinaasan ko siya ng kilay upang ipakita na hindi ako naaapektuhan.

"Walang modo siguro ang nanay mo kaya ganyan kang umasta sa harap ng ibang tao. Tsk" sabay ngisi niya na siyang dahilan ng pag-init ng dugo ko.

"Aw. I'm sorry. Matagal na nga palang wala ang nanay mo. Pasensya na ha? I really forgot about it" plastic niyang saad habang nagkukunwari na sincere siya sa mga sinasabi niya.

Ang pinaka-ayoko sa lahat idinadamay ang nanay ko.

This time ako naman ang nagsalita, "First of all kung manners lang din ang pag uusapan, solid na solid dun ang nanay ko. Second, e ano naman kung talikuran kita? Ganon kaba kaimportante? And last, tao kaba? Wag kang assumera ha?" maangas kong sabi sakanya at tuluyan ng naglakad palayo sa kanila.

Dahil sa inis at galit na nararamdaman ko, hindi kona mapigilan ang pagtulo ng luha ko.. Ito ang ayaw ko tuwing galit ako e, lagi nalang akong naiiyak tsk.

"Jepsen?" nag-aalinlangang tawag sakin ng isang may katangkaran na lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha niya.

Hindi ako tumugon sa kanya, sa halip hinagod ko ang palda ng school uniform ko at naupo sa isang bench na malayo sa karamihan.

Unforgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon