"Mon Amour"

1.1K 15 0
                                    

VII





Tagapagsalaysay:

Natapos ng kumain sina Ella, Haina, Jade at Mj. Sabay silang punta ulit sa labas para sumabay sa mga iba pang guesses na nandoon.

Habang naglalakad, hindi parin matinag si Ella sa kakakain ng mga finger foods na dini-distribute ng mga waitress.

"Uy, Ella! Ano ba?! Kanina ka pa kain ng kain diyan. Halika na nga! Naiiwan na tayo nina Mj, oh!" Mahinang pag-aawat ni Haina kay Ella.

"Eehh! Wifey, ang sarap e!—" Parang batang sagot naman ni Ella habang hinihila na ni Haina papalayo sa mga finger foods na hawak ng isang waitress.

Habang naglalakad, bigla namang may tumawag kay Mj na bisita.

"Sandali lang, hah. Punta muna 'ko dun." Pag papaalam ni Mj sa mga kasamahan. Tumugon nalang sila.

Naiwan naman sina Haina, Jade, at Ella na kain ng kain parin ng finger foods.

Tinawag naman sila ni Mrs. Pandara,

"Jade, Haina, Ella. Halikayo, magsisimula na!" Exited na pangaaya ni Mrs. Pandara.

"Magsisimula? May main event pala, hindi ako na-inform." Saad naman ni Ella.

Sa tabi ng kanilang swimming pool, nandoon ang mga bisita na nagtitipon-tipon at pinaliligiran si Mj at ang kanyang mga magulang.

"So..as everyone know, alam niyo naman siguro kung bakit tayo nandito, diba?" Ani ni Mr. Pandara.

"Yes." Sagot naman ng mga guess na nando'n.

"Ok. Well, let's sing for Mj!" Masayang sambit naman ni Mrs. Pandara.

Kunot noo naman sina Haina at Ella na wala paring ka alam alam sa mga ngyayari. Dahil hanggang ngayon hindi parin nila alam kung ano talaga ang okasyon kung bakit nagpa-party sina Mj. Hanggang sa kumanta na sila.

"Happy birthday, Mj! Happy birthday, Mj! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday, Mj!" Kanta ng mga naroon.

Gulat na gulat naman si Haina at Ella na nagkatinginan ng huli.

"Wifey, ka- ka birthday mo si Mj?!" Gulat na tanong ni Haina sa kaibigan na kitang-kita sa mata na kinikilig ito.

Binigyan lamang ni Ella ang kaibigan ng matalim na tingin na iniwasan din ni Haina sa huli. "Tapatin mo nga 'ko. Pinlano niyo to no?!" May pagbabantang tanong ni Ella

"Hindi!! Wala akong kinalaman diyan! Ni hindi ko nga alam na birthday pala ngayon ni Mj." Depensa ni Haina sa sarili.

"Psst! Emjeeey!!! Em- Emmmjeeeyyy!!" Pagtatawag na pakaway-kaway ni Haina habang sumisiksik sa mga taong nasa paligid ni Mj. Na busying-busy naman sa mga taong nag-greet sakanya.

Nakita naman agad ni Mj si Haina at pinuntahan ito.

"Oh?" Masayang sambit niya kay Haina.

"Ba't 'di mo sinabi na birthday mo ngayon?! Hindi ka tuloy namin nabil'han ng regalo!" May pagsisising sagot ni Haina.
Habang si Ella naman minamatahan si Haina kung nagsasabi ba talaga ito ng totoo.

"Ano ka ba Haina, okey lang un! Tsk. Basta nandito kayo ok ng gift un!" Masayang sagot ni Mj.

.....

"Ah!! Siya nga pala si Ella, Bi—" hindi naman natapos ang sasabihin sana ni Haina ng biglang takpan ni Ella ang bibig nito.

"A-ako! Wa-wala di—din akong gift sayo e. Sorry hah." Pagpapalusot ni Ella.

Not Only You & Me (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon