I
Tagapagsalaysay:
Isang masigla at napakagandang umaga para kay Ella-Emanuella.
Naiisipan kasi ni Ella na dumadaan muna sa parke dahil marami pa naman kasi siyang natitira na oras bago ang kanyang klase.
Pinaliligiran ng mga humuhini na mga ibon sa taas ng mga puno ang parke na kanyang dinaanan, tumatagos ang sinag ng araw sa mga dahon ng mga puno kahit na mainit ang sinag nito. Malamig din naman ang simoy ng hangin, kaya naman katamtaman lang ang paghahalo ng init at lamig.
Ella's POV:
Naisipan ko munang dumaan dito sa isa sa pinaka paborito kong puntahan, yun ay ang parke dito sa tabi lamang ng aking apartment. Maaga kasi akong nagising kaya, marami pa akong panahon para mag muni-muni bago ang klase ko.
Habang pumapasyal sa mapayapa na lugar, bigla naman akong nabagsak sa sahig dahil sa biglang pagkabangga ko sa isang lalaking tumatakbo habang naglalakad ako.
Napatilapon naman ang dala kong bag at nagkalat ang mga notebook at papel ko sa sahig. Nanadya ba 'tong lalaking 'to? Isip ko.
At salamin ko. Teka yung salamin ko!
Unang-una kong hinanap ang salamin ko upang makakita. Nang mahagilap ko na ang salamin ko, una kong tinignan ang lalaking nakabangga saakin.
"Hoy!!! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ko sa lalaking nakabangga sa'kin.
Naka-jaket ito ng maitim at suot ang kanyang hood na dala ang kanyang red-black bagpack. Malaki ang katawan, matangkad at mala-Justin Bieber ang haircut. Di na uso un.
Kung titignan mo, mukhang itong magnanakaw. Really.
"Ay! A-ah s-sorry, mis!!" Sigaw naman nito pabalik sa akin na patakbo na sana ulit, ngayon ay isang metro na ang layuan namin.
Pagkasabi noon, tumakbo na ang lalaking nakabunggo saakin papalayo.
"Hasbiallah! Sorry?! Ni hindi manlang ako tinulungan!" Tila na nginginig sa galit na bulong ko sa sarili.
Tagapagsalaysay:
Pagkatapos ang tagpong iyon, padabog na pinulot muli ni Ella ang mga gamit niya na nahulog dahil sa aksidenteng pagkabangga ng lalaking iyon sakanya.
Nang matapos, bigla naman may napansin si Ella na bagay sa kinatayuan kanina na lalaki kaya pumunta ito sa direksyong iyon para alamin kung anong klase bagay iyon.
Isang panyo na itim at may-print na pulang mga bulaklak ang nakita ni Ella.
Pinulot niya ito at kinilatis ng maigi.
Sa pagkilatis na iyon, kapansin-pansin naman sakanya ang letrang 'MJ' na nakaukit din sa panyong iyon."Mj? Stands for, Michael Jackson?" Patanong na bulong ni Ella sa sarili.
"At kalalaking tao, bulaklak ang print ng panyo?"
Nang napansin niyang napukaw ang buong atensyon niya sa hawak na panyo, nagpalinga-linga si Ella at tinignan ang kanyang orasan.
Limang minuto nalang at mag sisimula na ang klase nito.
Napabalikwas naman si Ella at dali-daling tumakbo patungo sa kanyang paaralan. Medyo malayo lang din naman ito sa parke kaya may oras na makakarating siya sa oras o kapag-katulad ngayon na limang minuto nalang na nalalabi niyang oras-may posibilidad din na ma-late siya.
Ngunit kahit na malapit ito sa parke, matatagalan parin ito ng higit apat na minuto kung tatakbuhin- at isa't kalahating minuto lamang kung mag momotor o pedikab.
Ella's POV:
Nahihingal akong papasok sa school-gate ng harangan ako ng aming security guard.
"...sandali lang iha, kailangan ko muna ang school ID mo para sa sign in mo." Pag papaalam ni manong guard sa'kin.
"Ah, eh..manong guard pwede po bang mamaya nalang po after class? Late na po kasi tlaga ako sa klase."
"Ay, pasensya ka na iha, kabilin-bilin kasi sa'kin na huwag ipapasok kapag hindi muna nakakapag-sign in,"
"Manong guard sige naman na, please?
"Pasensya ka na tlga iha, ako ang mapapagalitan kapag sinuway ko ang binilin sa'kin, may CCTV cam pa naman do'n, oh." Turo ni manong guard sa taas ng gate.
Wala naman akong nagawa dahil aminado akong ayaw kong ma-late pero, ayoko ko ring pumunta rito kung sa huli lalabas din na absent ako.
"Sigh..sige po. Pero, please lang po paki bilisan lang po," pagmamakaawang tugon ko ulit sa guwardiya habang inaabot ang aking ID.
"Sige, iha." At kinuha na nga niya ang ID sa kamay ko.
Katulad ng ipinagdarasal ko mula kanina pa. Hindi rin natagalan at natapos din ang pag sign in ko. Nakahinga naman ako ng malalim.
"Oh, ito na iha. Sige na. Baka mamaya late ka na sa klase mo."
"Ay! Maraming salamat po manong guard!"
Tagapagsalaysay:
Nang matapos ang pag-sign in ni Ella. Dumiretso na siya papasok ng gusali ng biglang may narig siyang nag-text sa cellphone niya.
Habang naglalakad sa hallway, kinakalkal naman niya ang kanyang bag para hanapin ang cellphone ng biglang...
"Aray!" Napabangga nanaman si Ella sa isang lalaki.
Ano bang meron at lahat nalang binabangga ako?!
Nagkatitigan sila nito ng ilang segundo. Habang magkatitig, napagtanto naman ni Ella kung sino ang taong iyon.
"Ikaw yung-" sabay na bigkas ng isa't-isa.
Itutuloy....
BINABASA MO ANG
Not Only You & Me (Editing)
Storie d'amore"Pinagtagpo tayo ngunit, hindi itinadhana na maging tayo." -Emanuella "....ngunit sa huli, pwede bang maging tayo?" -Mark Jill This story lives to it's title. Shout out to; @Chiennfloz25 for the description. #JeMan Inspired story Cover photo is #MeL...