Destined(?)

2K 26 6
                                    




II




Tagapagsalaysay:

Pagkalipas ng sampung segundo ng magkatitigan ng dalawa, napansin ni Ella kung sino ang nasa harapan nito.

Napalitan ang pagmamadali niya ng nakasimangot na mukha.

Ito din kasi ang lalaking nakabangga sakanya kaninang nasa parke pa ito.

"Anong ginagawa mo dito?!!?" -Ella

"Ikaw, anong ginagawa mo dito??!" Sagot ng lalaki.

"Ako ang unang nagtanong!! Kaya ako ang sagutin mo!!" Sagot pabalik ni Ella.

"Sinusundan mo ba ako, hah?!?!?" Dagdag pa niya.

"Ay! grabe bai!! Wag kang feeling, kakapasok ko palang dito sa school na 'to tapos sasabihin mo sinusundan kita!" Sagot ng lalaki habang pabuhat muli ang nalaglag niyang bag.

"Ikaw?! Bakit ang laki-laki ng hallway, hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo?!" Panenermon ng lalaki pabalik.

"Hmp!! Hasbiallah!! Malelate na 'ko sa klase ko, tabi nga diyan!!!" Sabay tabig naman ni Ella sa lalaking nakabanggaan.

Nang naglalakad na papalayo si Ella, pinulot muli ng lalaki ang mga papel na nakalat kanina ng makabanggaan nito si Ella. Pagkapulot ng notebook niya, napansin naman niya ang isang cellphone sa tabi nito kaya pinulot niya din ito at tinignan kung kanino. Sa likod ng cover naman ng cellphone na iyon, nakaukit ang pangalang..'Emanuella'.

"Emanuella pala hah.. puwes, manigas ka! hindi ko isosoli 'tong cellphone mo!" Naka-smirk na bulong ng lalaki sa sarili habang tinatago sa loob ng bag ang cellphone na nakita.

Ella's POV:

Nahihingal akong tumakbo patungo sa 3rd floor na classroom ko. Isang minuto na 'kong late! Mapapagalitan nanaman ako ng masungit naming professor.

"Ay! He-hello po. Sorry po I'm late." Mahinahon kong sabi sa prof. namin na sakasalukuyang nakatitig sa'kin ng masama.

"Why are you late Ms. Adian?!" Pasigaw na tanong ng prof sakin, ng ako'y akmang uupo pa lamang. Sabi na ngaba sesermonan nanamn ako ng babaeng 'to.

"Ah, eh..sorry po Mrs. Bahaghari. May nakabanggan po kasi ako kanina kay-"

"Tinanong ko lang kung bakit ka late. Hindi kung anong ngyari sayo buong araw." Pagpuputog sa'kin ng prof. Aba! Pagkatapos niyang 'kong tanungin tapos ayaw din pala niya malaman. Ay, sira ulo.

Umupo na 'ko sa upuan ko ng katabi ang aking matalik na kaibigan na si Haina.

"Oh? Bat ka late?" Tanong ni Haina sa'kin.

"Hay nako, long story wifey.." Sagot ko namn sa kanya. Wafey ang tawagan namin ni Haina, matagal na kasi kaming magkakilala since nasa elementary pa kami.

Nang nag uusap kami ni Haina, bigla namang may pumasok sa loob ng silid namin.

"So-sorry ma'am, I'm late." Nakayuko na sambit nito sa prof namin.

"Oh! Mr. Pandara! Its ok.. Please come in." Masigla naman na panganyaya ng prof namin sa lalaking iyon. Sandali nga lang, di-di ba siya ung nakabanggaan ko kanina sa park at hallway?! Tanong ng utak ko.

"Thank you ma'am"

"Well, since that your here Mr. Pandara. Why don't you introduce yourself to the whole class?"

Aba, nung ako ang na-late halos bumuga na siya ng apoy sa inis. Pero nung itong 'Mr. Pandara' na ang pumasok na-LATE DIN, ok lang sakanya?! Aba, sumusobra na tong dimonyong 'to, ah? Isip-isip ko.

"Well, hello everyone. My name is
Mark Jill Del Rosario Pandara. Short for MJ,"
Tila walang ganang pagpapakilala nito.

Mark Jill pala pangalan niya, well that explains kung bakit MJ ung nakalagay sa panyo niya. Wait, oo nga pala. Ung panyo niya! Kailangan kong isoli 'yon sakany- Pero wait lang, siya parin ung may kasalanan kung bakit ako na-late sa klase ko. Oo nga. Siya ang may kasalanan, kaya manigas siya!

Pagkatapos ng introduction niya samin, umupo na siya sa opposite side ng table ko.
Dito pa talaga naisipan ng gung-gong na 'to na umupo. Hmp!

"Uy, wifey! Ang gwapo niya oh!" Malandi na tugon sakin ni Haina.

"Hah? Gwapo?! Seryoso ka ba?!? Kailangan mo na yata ng salamin, wifey." Padabog na sagot ko sakanya.

"Grabe ka naman, wifey. Red days mo noh? Eesh. Basta gwapo siya." Pag-aasar niya pa sakin.

"Hmp! Ewan ko sayo, bahala ka!" Sagot ko naman ulit sakanya.

Pagkalipas ng ilang minuto, natapos na rin ang klase.
Akmang lalabas na kami ni Haina para mag recess ng humarang ang MJ.

"Ahm, Ms. Sunget. Sorry nga pala ulit kanina sa park. Nag mamadali lang kasi talaga ako. And, sorry din ulit kung nabangga kita ulit sa hallway, kahit hindi namn talaga ako ang may kasalanan." Pagsisimula niya.

"Ung totoo? Nagso-sorry ka ba talaga o nansisi? Umalis ka nga diyan!" Pagtaboy ko sakanya. Pero hinarangan parin kami.

"Ms. Sunget naman kasi, oo aminado akong ako ang nakabangga sayo sa park. Ok, ako na ang may kasalanan do'n. Pero ikaw din naman ang nakabangga sakin kanina sa hallway," paliwanag ng Mj sakin.

"So?...patas lang kung magso-sorry ka at magso-sorry ako." Dagdag pa niya

"Ako? Magso-sorry?! Sayo?!?" Pasigaw na sagot ko.

"Look, MR. MJ! Kung ayaw mong mag-sorry sakin. Ok lang!! Basta ako, hindi ako magso-sorry sayo!!" Dagdag ko. Nakakairita kasi imbes na mag-sorry nalang siya ng diretso, pa-pride pa. Hasbiallah!

Akmang tatabigin ko na siya ulit ng may hugutin siya sa loob ng bulsa ng pantalon niya.

"Oh. Sorry na ulet. Naiwan mo kasi sa sobrang pagmamadali mo." Sabi niya saakin at sabay bigay ng cellphone ko.

Ay, oo nga pala yung cellphone ko!

Kinuha ko naman ng mahinhin sa kamay niya. Nahihiya na ako sa titig niya. Well, gwapo naman talaga siya, e. Kung wala nga lang halong yabang sa mukha niya.

I gave him a slight smile to say—at least iparamdam sakanya na I felt bad sa pagsusungit ko sakanya.

"So...friends?" Pa-shake hands na alok sakin ni Mj habang naka smile.

"Huy, hindi ibigsabihin binigay mo phone ko e friends na tayo. Luh." Sagot ko.

"Hmm...sige ka pag nahulog yang cellphone mo at napulot ko ulit, hindi ko na ibibigay sayo." He said to me with a daring smile.

"Hmh" binigyan ko siya ng daring smile niya pabalik at tuluyan na nga kaming lumisan ng classroom ni Haina.

Kala siguro ng mokong na 'to matatakot niya 'ko. Ano 'to? Elementary? Pft.












"Sige ka wifey, the more you hate, the more you love. Yiee" pangaasar naman sakin ni Haina ng makalabas na kami ng classroom.




























Itutuloy.....

Not Only You & Me (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon