Date

1.2K 30 3
                                    


XIII




Tagapagsalaysay:

Kinagabihan pagkatapos ng mga ganap na iyon—ang bulaklak, card at ang nagdeliver  ng pizza sa kanyang apartment—nasa park si Ella habang nagbabasa ng isang love story na pinamagatang 'Velvet Angel' na sinulat ni Jade Deveraux.

It was peaceful around Ella until....

*Beeep! beep!*

Napatalon naman ng kaunti si Ella ng may biglang nagbusina sa likod nito. Tumingin ito sa kanyang likod at inis na kinilatis ang sasakyang nasa likod niya.

Nang mapagtanto niya kung sino ito, napabusangot naman ang mukha ni Ella at napabuntong hininga nalang ito ng huli.

“Hi!” sigaw ng lalaki habang papalabas palang ng kanyang sasakyan.

Pagkasarado palang ng pintuan ng kotse ni Mj, patakbo siyang pumunta kay Ella dala ang isang basket na may laman ng mga pagkain.

Pasalampak siyang umupo sa tabi ni Ella na nakaupo sa isang picnic blanket at tinabi ang kanyang dalang basket sa inuupuan ni Ella.

Gasp.

“Anong—?? Paano mo nalamang nandito ako?!” kunot noong tanong ni Ella.

“Secret.” sagot ni Mj habang nakatingin sa kawalan.

Confused namang tinitigan ni Ella si Mj ng may pagka-slight na inis dahil mukhang walang balak si Mj na sabihin kay Ella kung paano niya nalamang nandito siya ngayon. Ang unang remehistro sa isipan niyang nagsabi ay si Haina, alam niyang may posibilidad na binanggit o sinabi nito kung nasan siya. Hindi man niya alam kung paano, ngunit naiinis siya dito ng kaunti dahil nabasag ang katahimikan na gusto niya ay masolo.

“Ano bang kailangan mo? Wala ka bang ibang mapuntahan bukod saakin na ang gusto lang ay munting katahimikan?” seryosong tanong ni Ella kay Mj.

“Wala eh.” maikling sagot. Anim na letra ngunit, isang matalim na tingin ang nirihistro ni Ella dito.

Napahilamos nalamang ng kanyang kamay si Ella upang piliting pakalmahin ang sarili at itinuloy nalamang ang pagbabasa.

Ilang oras na ang lumipas.at nanatiling tahimik sa paligid nina Mj at Ella. Buong akala ni Ella ay sa buong pagbabasa niya ay didistorbohin siya ni Mj o kukulitin o magiingay sa tabi nito ngunit, nagkamali siya dahil hanggang sa naubos niyang basahin ang librong hawak niya, wala ni galaw o mimik ang katabi nito.

Cough, cough.

Ella cleared her throat to lessen the awkwardness between them and slam the book close to move by looking at the same direction that Mj is looking, which nowhere.

“Do you want a date?” pagsisimula ni Mj.

Napatingin naman bigla si Ella kay Mj upang siguraduhin kung tama ba ang narinig niya.

“Hah?”

“Sabi ko gusto mo bang date?”

“Date as in Date?” paguulit ni Ella upang siguraduhin talaga ang binitawang salita ni Mj.

“Oo.”

“Uhm, Mj. Alam mo namang kaibigan kita at, we've known each other not even nearly a month tapos tatanungin mo na 'kong makipag-date sayo? Mj naman, ayokong maging awkward ang lahat para saatin, kaib—”

Habang nagexplain si Ella, confused namang nakikinig lamang si Mj dahil hindi niya alam kung bakit sinasabi ni Ella ang mga ito.

“.....Hindi pa kasi ako handa sa mga yan, Mj. I'm focosing on my studies at—”

Not Only You & Me (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon