Episode 1

889 16 1
                                    

Over 3 months later ...


"Why is she here?" Malamig kong tanong kay mama pagkalabas ko ng banyo at nadatnan si Chana na nakaupo sa may sofa.

Nahirapan akong iangat ang isang paa ko dahil sa biglaang paggalaw ko. Mom tried to help me walk but I immediately shove her hands away and glared at her.

Not again.

"I told you, Ma. I don't want everybody to come here. I don't need pity!" I snarled at her.

Napaatras si mama sa pagsigaw ko sa kanya. I saw from my peripheral view that Chana stood up and tried to reach for me. Umiwas ako kaagad. Bitbit ang malamig na pakikitungo ko sa kanya, sa kanila, I went directly to the door and open it. Lumayo ako ng kaunti sa pinto.

"I hope this would be the last time I'm gonna say this." I looked at her eyes, blank face.

"Go away, Suchana. I don't need you here. Matagal na tayong break, 'di ba? Just fuck off. Dumadagdag ka lang sa bigat ng nadarama ko! You're no help here." I hissed.

Tinalikuran ko siya agad dahil nagsisimula na naman siyang umiyak. That's my weakness. She's my weakness.

I have to do this. I need to let her go. Hindi siya sasaya sa akin. I'm gonna die, anyway.

Napansin ko si mom sa tabi, tahimik lang pero naiiyak na rin.

"Love, naman." Pagsusumamo naman ni Suchana sa akin.

Pero hindi ko siya pinansin. Humawak siya sa akin pero winaksi ko na naman agad.

Konting tiis pa. Aalis rin 'yan.

Bumibilis na ang paghinga ko. Napupuno na ng kung anu-ano ang dibdib ko.

"Mahal kita. Bakit mo ba ako ginaganito? Just because you're sick doesn't make me love you less." Sabi niya.

"Ha!" I scoffed at pinigilan ko ring sabunutan ang sarili ko.

"Alam ko kung bakit mo 'to ginagawa. Stop doing this. Why are you pushing us away? Bakit mo pinagtutulakan ang mga taong nagmamahal sa 'yo?" And she cried. So hard.

Pinigilan ko ang sarili kong lapitan at yakapin siya. Hindi ako pwedeng maging malambot ngayon. I have to keep this facade. I need to. Para sa kanila naman din 'tong ginagawa ko. Ayokong pati sila magdusa dahil sa akin.

Nilagpasan ko siya at dumiretso sa kama. Si mama naman, agad na nilapitan si Chana to console her and make her stand up dahil napaluhod na pala siya sa kakaiyak.

Naikuyom ko ang aking mga kamay. Humiga ako at tumingin sa ceiling saka tinakpan ang mga mata ko gamit ang aking kanang braso.

"Anak naman ... kausapin mo naman si Chana. Don't be like that." Mom begged.

Pinikit ko ang aking mga mata. And just ignore the world and the sinking feeling in my gut.

I hated this kind of situation pero kailangan ko 'tong tiisin. I hate what's happening right now.

Naririnig ko pa rin ang iyak ni Chana. Tumalukbong ako sabay harap sa kabilang parte. Narinig ko ang mahinang usapan nila ni mama then after that, I heard the door shut.

Dahan-dahan kong ibinaba ang kumot mula sa aking ulo at umikot paharap sa may pinto. I heaved a sigh.

Umalis na silang dalawa. I'm alone at last. And again.

Napahawak ako sa may uluhan ko. There's a slight pang of pain again pero I endure it 'til it's gone. Ganito naman lagi. Kaya dapat sanayin ko na ang sarili ko sa sakit.

The Love We Call HomeWhere stories live. Discover now