Episode 4

510 17 1
                                    

I keep shouting. Screaming my heart out. Hissing. And even pushing the nurses away.

Namimilipit ako sa sakit. 'Yung ulo ko parang nabibiyak na ewan. Hindi ko maintindihan kong ano ang mararamdaman ko. Kakaiba ang sakit na dulot niya.

The nurses tried everything they could to take the pain away. May tinurok sila sa akin at kung anu-ano pa. Si Doc Victor naman, sinusubukan akong pakalmahin habang binibigyan ng instructions ang mga nurse of what to do. May mga ginagawa rin siya sa akin.

I heard Mom crying at kahit nanlalabo ang mata ko, nakita ko si Dad. May nakita rin akong pamilyar na bulto ng babae sa may pinto, nakasilip.

At ilang segundo rin, nawalan ako ng malay.

Gabi na ng magising uli ako. Dahan-dahan kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Dad nasa sofa, nakatulog na nakaupo, may laptop sa gilid niya at paper sa lap niya. Si Mom naman, nasa gilid ng kama ko, nakatulog din.

Lumingan-linga pa ako 'til I saw the note on my bedside table.


Kahit masungit ka, marami pa ring nag-alala sa nangyari sa'yo kanina. Pagaling ka, Mr. Sungit. Mahal ka nila.

-Bahaghari xx


Matagal kong tinitigan ang papel bago nag-sink in sa akin na siya pala 'yong babae kanina na nakita ko sa may pinto, nakasilip.

May nakita rin akong mga prutas sa table at may note ring nagsasabing galing sa mga kabanda ko 'yon. May bulaklak at iba pang pagkain rin galing sa mga pinsan ko.

Sumikip bigla ang dibdib ko. There's a lump forming on my throat again. Naiiyak ako.

And I did. I cried for this hopeless moment.






*****






Days passed at ngayon lang muling bumalik ang lakas ko. I felt better than yesterday pero I know, I'm still at worst part of living. Hindi pa rin naman nawawala ang sakit ko. Ang sabi, it's getting worser everyday. Buti nalang, malakas pa rin ang immune system ko kaya nakakaya ko pang labanan ang sakit. I asked before what my disease was pero 'di naman nagsink in ang medical gibberish na 'yon dahil ang tanging na-absorb ng utak ko, rare case.

Linggo ngayon kaya walang abala. I mean, it's everybody's family day and Christians' Sabbath Day. Oo, alam ko. Dapat nagsisimba't nagdadasal rin ako ngayon. Pero, as my sickness worsen every single moment of my life, naglalaho na rin ang pananampalataya ko sa Kanya. Wala na nga akong pakialam sa Kanya. Wala na akong tiwala.

Nakita ko ang Bibliya sa may sofa. Nakabukas 'yon. Kagabi kasi, nakita ko si Mom na nagbabasa nun, nagdadasal. Umaasa na gumaling ako.

Asa ng asa, wala namang pag-asa. Puro lang paasa.

Tiwala ng tiwala, lagi namang binabalewala.

Dahan-dahan akong tumayo at naglakad papuntang balkonahe. I need fresh air. Nakakasuka na ang amoy ng aircon sa loob. Mas lalo akong nagkakasakit.

Naalala ko na naman ang mga kaibigan ko. Ang pangarap ko. Si Suchana. Sina Mom at Dad. Lahat. At mas lalong lumalalim ang galit ko dahil sa mga alaalang 'yon.

The Love We Call HomeWhere stories live. Discover now