Episode 2

578 11 0
                                    

"O, akala ko ba tatalon ka?" Mapaglarong tanong ng isang boses.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, only to see a petite young lady wearing pink. She's pretty but she's nothing compared to my Suchana.

Oh, c'mon! Why compare her to your ex? Ako na ang nakipag-break. I should move on with that. Pero teka, teka ... the point is, bakit nga ba hindi pa ako tumatalon? Why did I hold back?

"Oi! Napaisip si kuya." The girl shout again.

Kinindatan pa ako. So, I glared at her.

Pakialamera.

"H'wag ka ng tumalon. Sayang ang kagwapuhan mo. Mababawasan lang ang mga kagaya mo dito sa mundo. Kokonti pa naman kayo." She said humorously again.

I turned back. Naiirita ako sa kanya.

"Mabuti 'yan. Ganyan nga. H'wag ka ngang tumalon. Hindi thrilling 'yan. Life's too precious to be wasted." Dinig kong sabi niya.

Napalingon ako sa kanya sa huling pangungusap na binitawan niya.

"Ano bang alam mo? Pakialamera!" I snarled.

"Oi, galit ka na nyan, kuya? Smile naman dyan." She joked and smiled at me.

Natigilan ako saglit pero nakabawi naman bago pa niya mapansin.

"Whatever!"

Bumalik na ako sa loob. 'Di ko na narinig na may sinabi pa siya. Kahit namang may sabihin siya ay wala akong pakialam sa kanya. I close the door to the balcony and opened the television.

I remembered the girl's smile. Parang na-imprint siya utak ko at nag-replay. Maybe, because ngayon lang ulit ako nakakita ng ganoong ngiti. It's all been tears and scars I've been seeing these past months. I miss the days na it's all smiles and laughter. I mean, kakaiba ang dala ng ngiti niya. That kind of smile is totally refreshing. Gano'n rin naman ang ngiti ni Suchana pero 'di na ngayon.

Nilakasan ko ang volume ng tv. Naalala ko kung bakit hindi ako tumalon kanina. It's because something pulls me back. 'Di ko alam kung ano or kung sino. Who would it be? Or what would it be?

Pagkahiga ko sa bed ay siya ring pagpasok ni mama at papa sa loob.

"Son." He said sabay lapit at tango sa akin.

'Di ako bumangon para salubungin sila, bagkus tinignan ko lang sila ng walang ekspresyon sa mukha.

"Bakit kayo nandito? I thought, you're busy?" Sarkastiko kong tanong.

Workaholic si papa pero 'di naman siya 'yong tipo ng ama na kahit workaholic at busy ay wala na rin halos time sa pamilya. But this time, it's different. Simula ng malaman ni Papa na may sakit ako, halos pakasalan na niya ang trabaho niya. Halos wala na siyang time na umuwi at kumustahin man lang kami ni mama. Ni hindi ko nakita ang anino niya simula ng isugod ako sa ospital. Wala rin akong narinig na tawag mula sa kanya. Minsan nga, pinasisinungalingan pa ni mama na kinukumusta ako ni papa pero ang totoo, wala talaga siyang pakialam sa anak niyang may sakit.

And si mama, why is she here? Bakit andito silang dalawa?

I told the nurses and the doctors na ayoko ng bisita. Kahit sinuman, even my family. Mas lalo lang ako nahihirapan kapag nakikita ko sila.

"I'm sorry, it took me so long to sink it all, son. Hindi ko lang kinaya. You're too young for this trial." Pagdadrama niya.

I rolled my eyes.

Talaga?

"Sinabi ko ng ayoko ng bisita. Bakit ba nandito kayo? It makes me feel nauseous again. I need to rest. Umalis na kayo dito." Malamig kong sabi sabay patay ng tv at humiga.

The Love We Call HomeWhere stories live. Discover now