Prologue

1.9K 30 3
                                    

"Here's your coffee, sir." Untag ng waitress sa akin habang nakatingin ako sa malayo.

Nandito ako ngayon sa isang two-storey coffee shop na pagmamay-ari ng road manager kong si Mavee. After the recording session, dito agad ako dumiretso para magrelax sandali.

The coffee shop is just few blocks away sa recording studio. The place has relaxing ambiance and the design of the interior blends well with the mood. Lagi akong sa may balcony pumupwesto dahil malaya kong namamasdan ang lahat sa labas.

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang muling tumikhim ang babaeng nakatayo sa gilid ko.

"More order, sir?" Tanong ng waitress sa akin sabay lagay niya ng kanyang takas na hibla ng buhok sa likod ng kanyang tenga.

I know that gesture. But it won't work on me, babe.

"Nothing more. I want to be alone for now, please leave. Thank you." I asked her politely and smiled a bit.

Of course, kailangan kong gawin 'to. Kailangan kong maging maingat sa mga galaw at sa pananalita ko. I'm a celebrity.

Since the day na nakilala ng lahat at napansin ng karamihan ang musika ng Olymgeddon ay naging suki na rin kami sa mga musical gig, album or single launching at marami pang iba. Naging instant sikat agad kami. Well, thank you sa mga magulang namin ng mga kabanda ko, for giving us good looks and exceptional talents.

So, as I was saying, I was being nice to the waitress earlier. Baka mamaya nyan, malalaman ko nalang na laman na ako ng isang blind item sa pagiging rude sa isang nagpapa-cute na waitress.


"Frontman ng isang phenomenal band, lumalaki na ang ulo."


That ain't gonna happen. I won't let it.

I love what I have right now. 'Di ko 'to sasayangin. And also, I don't wanna drag my friends here. Lahat ng nasa banda ng Olymgeddon, totoo at matatalik kong kaibigan. We treasure it so much the moment the world appreciate our music. 

Nagsisimula pa lang kami dito, so I need to be extra careful for my image and for the image of my bandmates. This is showbusiness.

Yes, I'm a band boy but not as bad as everyone think about band boys.

Stupid stereotypes.

Biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko 'tong tinignan.

It's my girlfriend, Suchana, calling. I immediately, pressed the answer button and smiled.

"Miss me already?" Biro ko then I chuckled.

"Oo, kaya nasaan ka na? Hindi mo ba ako susunduin?" Malambing niyang tanong.

Erase that forming cliché stereotype about band boy's girlfriend in your mind. My Suchana Vergara is way too different and better than those stupid stereotypical type of a band boy's girlfriend.

Sweet and genuine na tao si Suchana. I know her since we were kids, siguro back when I was 8 or 9. Magkapit-bahay kasi kami. We may not grow up together na sobrang close sa isa't-isa pero we've been in each other's lives for so long.

It was summer before college when I realized I liked Suchana more than a friend. So, I pursued her for a while bago naging kami nung 1st year college kami. Ngayon, we are enjoying our 2-year relationship and I couldn't ask for more.

Maraming nagsasabi na bagay kay Suchana ang maging model. Actually, kinukuha na rin siyang model ngayon pero bihira lang siyang tumanggap ng offers. Ayaw niya kasing ma-divert sa modelling ang atensyon niya. She goes for architecture at 'yun ang course niya ngayon. Matalino din siyang tao, always been on the honors list before at dean lister ngayong college.

The Love We Call HomeWhere stories live. Discover now