Episode 5

448 11 0
                                    


Hindi ko alam kung paano nangyari pero naging magkaibigan nga kami ni Rainbow. Bago siya umalis, nagpaalam siya sa akin kung pwede ba raw siyang bumisita sa akin. Inamin niya kasing nalaman niyang ayoko ng bisita at tinataboy ko lahat ng nagpupumilit na bisitahin ako kaya magpapaalam daw muna siya sa akin.

"Okay lang." Kaswal na sagot ko.

"Wala bang ngiti?" Biro niya habang hinuhuli ang tingin ko.

"H'wag nalang kaya?" Banta ko naman sabay taas ng kilay.

"Joke lang! 'To naman. Sige na nga. Alis na ako. Sa Sabado na lang ako bibisita. Sa Biyernes kasi exams namin sa finals. Behave ka dito, ah?" Aniya.

She's smiling again.

"Okay." Maikling sagot ko sabay iwas ng tingin.

Nasasanay na ako. Nasasanay na ako sa mga ngiti niya.

"Sige. Alis na ako. Byeeers!" Paalam niya sabay labas ng pinto.

Lumabas ako sa kwarto para pagmasdan ang pag-alis ni Rainbow hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

Rainbow Pineda is definitely a very fine lady. A breath of fresh air. The summer sunshine. Sa loob-loob ko, gusto ko pa siyang makilala ng lubusan.

Pero natatakot ako. Natatakot sa attachment. Natatakot ako na baka tuluyan ng matunaw ang pader na pilit kong binubuo.

That's what happened three days ago. Hindi ko ikinakailang umaasa akong bibisita nga si Rainbow.

Alam kong mali at ang unfair ko din. Ang selfish pero hindi ko alam kung anong mahika ang ginamit niya para maging ganito ako pagdating sa kanya. I may never have experienced this before. Masyadong bago sa akin ang lahat. Marahil, lagi kong nakukuha agad ang mga gusto ko dati. I even easily got Suchana's heart, though, matagal-tagal ko rin siyang niligawan but that time, I know she likes me back.

I sighed.

Sabado ngayon, kanina pa ako dito sa balkonahe. Nagpapahangin. Naghihintay. Gusto ko kasi, pagdating ni Rain, sa balkonahe niya ako matatagpuan. Hindi ko maintindihan kung bakit. Marahil din siguro para hindi niya mahalatang ilang araw na akong naghihintay sa kanya.

Naulinigan kong may tao sa labas. Ilang segundo rin ay may kumatok. Hindi na ako nag-abalang buksan pa 'yon dahil makalipas ang tatlong katok, bumukas ito.

"Pare." Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

Nilingon ko ang tumawag sa akin.

"Travis." Sambit ko na may halong disappointment.

"Expecting someone?" Biglang tanong niya habang papalapit siya sa akin.

I ignored his question and look away. I lean on the railings when he came near me and tapped my shoulder.

"I know you'll hate me for coming again pero kahit nakakabakla mang isipin, nami-miss na kita. Nami-miss ka na ng tropa. Gusto sana nilang pumunta dito pero pinayuhan kaming h'wag sabay-sabay to avoid attraction and attention." Paliwanag niya.

Umayos ako ng tayo at hinarap siya.

"O! Alam kong sisigawan o magagalit o ipagtutulakan mo na naman ako palabas pero really, pare, bigyan mo naman ako o kami ng kahit limang minuto para makita't makausap ka man lang." Saad niya.

Umiling ako. Nilagpasan ko siya at dahan-dahan akong umupo sa may higaan ko.

"Your time's up. You can go." Malamig na sabi ko.

He sighed.

"Fine. May iba rin naman akong sadya sa pagpunta ko dito, eh." He said.

In-on ko ang tv.

The Love We Call HomeWhere stories live. Discover now