Episode 3

556 14 0
                                    

Tahimik lang kaming kumakain sa rooftop ng ospital. Hindi ko nga alam bakit dito niya talaga gustong kumain ng ice cream. Marami namang pwede diyan pero dito talaga niya ako dinala.

Nakatingin lang ako sa malayo habang iniisip ang nangyari kanina.

Si Suchana. Umalis na talaga siya. Naninibugho na naman ako but I know para rin naman sa kanya 'yon. I love her so much. Hindi ko talaga kaya ang makita siya nahihirapan ng dahil sa akin.

Maybe. Our love ain't enough for us to keep going. To keep fighting.

"A penny for your thoughts?"

Napatingin ako sa katabi ko. Nakangiti na naman siya.

Kung sa ibang pagkakataon lang sana, baka napangiti rin ako sa pagngiti ng babaeng 'to. Iba din kasi siya kung ngumiti, eh. Parang sinasabing: Ngumiti ka rin.

"Anong pangalan mo, Mr. Sungit?" Tanong niya sabay scoop ulit ng ice cream.

"Rence." Tipid kong sagot.

"Rain." Sagot naman niya.

"Ulan." Sambit ko naman saka napatingin uli sa malayo.

"Hindi." Sabat naman niya.

"Ha?" Nagtatakang tanong ko at binalingan siya uli.

"Bahaghari, actually." She smiled.

"Rainbow?" Nakakunot-noong tanong ko.

"Yes. Rainbow Marie Azucena Pineda, at your service." Pormal niyang pagpapakilala tapos nag-salute pa siya sabay ngiti.

"Ahh .." tumango naman ako sabay scoop ko naman ng ice cream.

Ibinalik kong muli ang tingin ko sa malayo at napabuntong-hinga.

"Hindi ka ba marunong ngumiti?" Tanong niya.

Napatingin lang ako sa kanya.

"Pampawalang-stress 'yan. Try mo." Then she tried to reach for my face but I look away again.

"Ayy! Suplado talaga." I heard her murmur.

I realized, I shouldn't be here hanging out with a stranger, especially with a girl I barely know.

Bigla akong tumayo. Napatayo rin siya.

"Oy! Ba't bigla ka nalang tumayo? Aalis ka na?" Tanong niya, nakatingala siya sa akin dahil sa tangkad ko.

"I'm tired. Babalik na ako sa kwarto ko." Nagsimula na akong maglakad.

"Without saying thank you?" Saad niya.

I look back at her.

"For the ice cream?" Dugtong niya sabay turo sa natutunaw na ice cream sa kamay ko.

"Bye." 'Yun lang ang sinabi ko and I just left her there.

I know what's doing. She's befriending me. Trying to get in my life. But sorry not sorry, no more attachments for a dying asshole right now.






*****






Pagkapasok ko sa kwarto ay nadatnan ko na ang daming tao sa loob. Si mama umiiyak at inaalo ng tita ko, si Tita Terry. May dalawang nurse din kasama si Doc Victor, ang doctor ko, hinahagod ang sentido niya habang may tinitignan sa isang folder.

The Love We Call HomeWhere stories live. Discover now