Episode 6

391 14 0
                                    

Nagdaan ang ilang linggo, lagi pa rin akong binibisita ni Rainbow. But not as usual as before. Days after nung sinigawan ko si Mom, naging tahimik na siyang bumibisita sa akin. Maingat na siya at hindi siya gaanong nakikipag-usap sa akin.

It seems like I scared her kaya siya ganyan. Sa loob-loob ko, I wanted to apologize, badly. But something stops me.

Right now, I'm never getting better yet surviving. I'm still on chemo and medication. Dr. Victor tried to open up about the surgery matter and convince me about it but I still stick with my No answer.

Marami kasing factors na dapat i-reconsider, eh. It wasn't that easy. Feeling ko din naman, papatayin pa rin ako netong sakit na 'to.

Well, about Rainbow , she's still that Rainbow I met before. That rainbow after the rain, kumbaga.

Kapag bumibisita siya, lagi niya akong kinakantahan. Minsan nga, Christian songs. Napag-usapan namin ang tungkol sa pagkadismaya ko sa Kanya. Ang sabi lang ni Rain, ilabas ko nalang daw lahat ng sama ng loob ko. Makikinig daw siya.

"I don't know. Not now. Hindi pa ako handa. Parang ang bading din kasi, Rain." Sabi ko sa kanya one time when she was sharing inspiring stories tungkol sa mga random Christian people.

"Ang arte neto. Kaya ba, kayong mga lalaki, ayaw niyong maging open sa emotions and feelings niyo dahil nakakabakla para sa inyo? Tsk. Nasa mindsetting lang 'yan." Sagot naman niya sabay duro sa ulo niya.

Nagkibit-balikat lamang ako.

Ilang araw na simula nung huling dalaw ni Rainbow sa akin. Na-busy kasi siya ngayon dahil marami daw silang church activities tapos may part-time job din daw siya. Sabi ko nga sa kanya na hindi naman siya obligadong bumisita sa akin but she said ...

"Hindi obligado, pero gusto ko. Choice ko 'yon. Kagaya ko, you can also make a choice. Lahat kasi tayo binigyan ng napakagandang regalo ni Lord. At 'yon ay ang free will. Kaya ikaw, h'wag mong basta-bastang gamitin ang free will mo. Okay?"

Bored akong tumango sa kanya bilang tugon sa sinabi niya. Ayokong ng makipagtalo sa kanya. Lagi naman akong nakokonsensya kapag nagsasalita na siya, eh.

Sa ngayon, hinihintay ko ang pagbisita niyang muli. Every passing days, lalong gumagaan ang loob ko kay Rainbow. Parang siya na 'yung matalik at malapit kong kaibigan ngayon.

"Si Rainbow." Untag ni Mom sa akin.

Napatingin ako sa may pinto at naroon si Rain, nakatayo. May dala siyang supot na I'm sure ay rocky road ice cream na naman.

Ngumiti siya habang papalapit sa akin pero lumapit muna siya kay Mom at nagbeso.

"Hello, Tita Laura! Ganda natin, ah? Kumusta si Mr. Suplado? Suplado pa din ba?" Pabirong tanong niya kay Mom.

Ngumiti lang si Mom saka nagpalit-palit ng tingin sa amin ni Rain.

Nag-abiso si Mom kay Rainbow na aalis na muna daw siya. Saka nagpaalam sa akin si Mom at umalis.

"Hi!" Bati ni Rain sa akin saka lumapit sa higaan ko.

"Bawal ang mga bata dito." Sabi ko.

"Hmph! Bawal din ang mga suplado dito." Ganting-sagot niya sa akin.

I glared at her but she smiled at me saka nag-peace sign.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong niya sabay kuha nung dala niya.

"Never better but surviving." Sagot ko naman sa kanya.

Inilabas niya ang dalang ice cream. The one I saw on tv. Ito 'yung kagaya sa isang commercial ng Legazpi family na nanood sila ng palabas sa tv at the end of the commercial.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Love We Call HomeWhere stories live. Discover now