Shot.14

16.6K 233 23
                                    

Dedicated sa kanya.. Ginawan nya kasi ng book cover ang TGOSP at SMGF!! ANG saya ko! NAgulat ako eh! Ahaha. Salamat sayo girl!

Anyways! Feedbacks okay! I Need Feedback. Sorry kung natatagalan UD dito nagiging busy na kasi ako! :))

---

ARIA's POV

Maayos na nag proceed ang Part 1 ng seminar ng araw na iyon, pansin ko ang sweetness ni Kai sa akin buong oras sa seminar hawak hawak nya ang mga kamay ko. Ayaw nyang bitawan na para bang.. 

Ewan ko sa lalaking to "Sir. Kai tama na po yung paghawak sa kamay ko, di pa po kita sinasagot, pumayag pa lang po ako na nilagawan nyo ako" sabi ko sa kanya.

He smirked at me saka ngumiti "I Miss holding you like this" sabi nya sa akin.

"Sir.. lagi nyo po akong nahahawakan tapos miss agad?" tanong ko sa kanya. Tumawa sya sa akin "Di mo alam kung ano ang epekto sa akin nung nawala ka sa paningin ko" sabi nya sa akin. Now playing with my hand.

"eh sir?" tanong ko sa kanya. Di kasi sya mainitndihan ngayon eh kakaiba ang mga sinasabi nya. dahil din siguro sa nakailang baso na sya ng red wine

"don't mind me Aria.. Masaya lang ako kasi naki-- I mean pumayag ka na pagkatiwalaan ako, di na kita bibiguin promise" sabi nya sa akin.

Napangiti na lang ako Kung alam ko lang lolokohin lang din nya ako.. pero uunahan ko na sya kelangan nya magtino.  Tumingin sya sa stage kung saan may nagsasalita na speaker tapos tumingin sya ulit sa akin "Do you want to go somewhere? Ang boring na kasi" sabi nya sa akin.

"Pero sir, importante po yung sinasabi nung--" natigil ako sa pagsasalita ng hilain nya ako palabas ng event hall.

"teka sir! Saan tayo pupunta? Baka hanapin tayo ni Sir. Alex!" sigaw ko sa kanya.

"Don't mind him mas mataas ang pwesto ko sa kanya, let's go somewhere. may nakita akong magandang place kanina dito eh" sabi nya sa akin habang higit higit pa rin ang kamay ko. Alam mo yung ang saya saya nya, kakaiba ang itsura nya ngayon, yung mga panahon na magkasama kami at nagdedate sa rooftop yung ganong  saya ba.

Bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko ng mga oras na yun bigla akong natigil sa paglalakad, "Halika!" sabi nya sa akin sabay hila ulit.

Sumakay kaming dalawa sa may elevator "Sir, saan ba tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.. Ginulo nya ang buhok nya na nakabrush up para bumagsak. Parang yung Kai Seven years ago. Napangiti ako sa kanya "relaxing" sabi nya sa akin. Pinindot nya ang 23rd floor. yun ang final floor sa hotel na to. "Maganda daw ang rooftop dito" sabi nya sa akin.

TING!

Lumabas kami sa may final floor at dumiretso sa may rooftop. Pagpdating ko sa rooftop may mga candles na nakakalat sa place tapos may mat saka picnic basket pati flowers sa paligid.

Basta sobrang ganda ng lugar na iyon. Plus kitang kita mo ang view ng buong lugar, napakaganda talaga nung ginawa nyang set up sa lugar. tiningnan ko sya "How can you do this?" tanong ko sa kanya. Napakaganda kasi talaga "Don't you like it?" tanong nya sa akin.

"anong ayaw? Ang ganda kaya" sabi ko sa kanya. "Punta ka na dun" sabi nya sa akin. tumingin ako sa kanya saka ako parang bata na nagmasid sa lugar dumiretso ako sa magandang view na nakikita ko tapos humiga ako doon sa may mat.

Tapos naramdaman ko na sya na tumabi sa akin "Maganda yung clouds no?" tanong nya sa akin. I Nodded at him "Bakit ka ba nag set up ng ganito? Masyadong bongga yung place?" tanong ko sa kanya.

"For you.. diba nililigawan kita? saka bumabawi ako" tanong nya sa akin.

"Bumabawi?" I asked him back. He was quiet for a while "I Mean gusto ko iprove sayo kung gaano ako kaseryoso, Aria.. I really love you" sabi nya sa akin.

Di na lang ako umimik sa kanya "Do want to eat first? or magmamasid muna tayo clouds?"  tanong nya sa akin

The Game of Sweet Pleasure [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon