Shot. 16

18.8K 232 33
                                    

ARIA's POV

 

Tahimik lang kami ni Kai habang nasa loob ng sasakyan nya. Di ko alam ang gagawin ko, kinakabahan ako. Di dahil sa maaring nyang malaman kundi dahil kay Kailee. May sakit kasi sa puso ang batang yun. Mahina sya kaya bawal syang mag laro laro basta basta.

Tapos ngayon mababalitaan ko na nasa hospital na sya. This is second attack, Wala pa rin kasi kaming makitang heart donor nya kaya nakakakaba bawat atake na possibleng mangyari sa kanya "Sir. Kai pakibilis naman oh.." sabi ko sa kanya. Naiiyak na ako sa sobrang kaba ko.

Di sya sumagot pero binilisan lang nya ang patakbo nya ng sasakyan, naramdaman ko na lang na huminto ang sasakyan namin kaya nagmadali akong bumaba. Wala akong pakialam kung madapa ako. I just need to see my daughter "Miss... Nasaan yung room ni Kailee Rivas. Mama nya ako!" sabi ko sa kanya.

"Room 218 sa may second floor ma'am" sabi sa akin ng receptionist. Patakbo akong umakyat "Aria. wait for me" sabi nya sa akin. lumingon ako to see Kai.

"bakit ka pa nandito.. salamat na lang sa paghatid mo, you can now leave" sabi ko sa kanya. "No.. bakit di mo sa akin sinabi na may anak ka?" He asked me.

"See I have no time to answer your question Kai.. I Need to see my daughter" sabi ko sa kanya saka ako kumawala sa hawak nya at pumunta sa room number ng anak ko. Sumusulyap ako sa likod ko sya sumusunod pala talaga sya sa akin. 

Pagpasok ko nakita ko ang kapatid ko na binabantayan si Kailee tapos nakatali si Kailee sa kama 'teka bakit nakatali si Kailee sa kama ha?" tanong ko sa kapatid ko.

"Ate kasi sabi ng doctor bawal daw sya gumalaw para di matanggal yung nilagay sa kan siya na machine" sabi ng kapatid ko.

 "what? But that doesn't mean na itatali nila ang baby ko!" sigaw ko sa kapatid ko. Napabow na lang sya di kasi sya sanay na sinisigawan ko sya.

tapos napatingin sya sa likod ko "kuya Kai?" malakas na tanong nya.

Sumunod pa rin pala sya hanggang sa loob ng kwarto "Ate alam na ba ni Kuya Kai? Bakit mag--" natigil sya sa pagsasalita kasi tinakpan ko ang bunganga nya 

"ang ingay mo magigising ang Kailee ko" sabi ko sa kanya.

"anong dapat kong malaman?" tanong nya napatingin ako sa kanya

 "wala yun Sir. Kai alam kasi ng kapatid ko na nilihim ko sayo na may anak ako dun sa tanong nanloko sa akin" sabi ko sa kanya. Since di naman nya ako naalala ng matino, di rin naman sya tatamaan.

"Pero ate diba si Kuya yun--" natigil sya ng sinamaan ko sya ng tingin. Nakita ko na tumingin si Kai sa anak ko. The way na tingnan nya si Kailee is parang naawa sya. Lahat naman talaga maawa pag makikita nila ang kalagayan ni Kailee.

The Game of Sweet Pleasure [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon