Shot. 18

15.6K 249 39
                                    

Votes and COmment for this Update everyone.. Feedbacks about the Chapter is highly appreciated. Yun lang.

P.S Magulo mag isip ang author nyo. Minsan kung ano ang predictions nyo yun ang hindi nangyayari minsan ginagawa ko din yung predictions. Pero madalas may sarili akong plot! AHAHAHA.... Wag masyadong hot!

---

ARIA's POV

Kumakain kami ngayon sa loob ng kwarto ni Kailee sinusubuan ko sya habang may sariling mundo si Kai na naglalaptop. Dito na rin kasi nya ginagawa ang trabaho nya para pag kelanganin sya ni Kailee di sya mahihirapan na puntahan ito.

"Kumain ka muna" sabi ko sa kanya saka ko nilapag ang Chicken Spagetti ng Jollibee na binili ko kanina. "Sobra yan.. bawal kasi kay Kailee eh" sabi ko ulit sa kanya.

Kahit naman binili ko talaga yun para sa kanya. Ewan ko ba talaga kung ano ang nangyayari sa akin. Di ko kinakaya ang di nya pagkausap sa akin. It's been almost two weeks Matapos nung gabing iyon di na nya halos kibuin. Naiinggit na nga ako sa Stuff Toy ni Jake na hawak nya mas madalas pa nya iyon kausap kesa sa akin.

Tiningnan lang nya ako tapos bumalik sya sa pag tatype sa laptop nya 'Di mo ba talaga ako kakausapin ng matino ha? Nakakainis ka na!" sabi ko sa kanya.

"Diba ito gusto mo.. ginagawa ko lang.. kakainin ko yan, don't worry" sabi nya sa akin. Para naman akong sinaksak ng karayon sa narinig ko. OO nga sinabi ko yun. I want him to give up on me, ginagawa lang nya kaya diba dapat masaya ako. Pero bakit ganito naiinis ako pag di nya ako kinakausap medyo nakakairita na ha? Parang ayoko na mag give up sya sa akin.

Umalis na lang ako sa harap nya at saka ako bumalik kay Kailee. Na bumalik na sa pagkakahiga nya pumasok naman sa isip ko yung heart donor nya. hanggang ngayon wala pa ring gusto magbigay ng puso nila para sa anak ko.

"Sory baby ha? Kung di naging pabaya si Mommy nun pinagbubuntis ka nya edi sana wala kang sakit ngayon.. Sorry talaga" sabi ko sa kanya.

"Mommy.. wala kang fault.. di mo naman gusto na maging sick ako diba?" she asked back to me. Tumango na lang ako sa kanya "Pero baby kasi.." natigil ako ng maalala kong kasama ko pala si Kai sa kwarto at nakikinig sa aming dalawa.

"Lay down tapos Rest ka na okay? Mamaya si Mommy Lola magbabantay sayo para makapagayos muna si Mommy ha?" tanong ko sa kanya.

'yes.. Mommy.. Mag rest ka muna One week ka ng di umuuwi ng house kayo ni Daddy Kai! Okay lang ako!" sabi nya sa akin. Napangiti na lang ako sa kanya, at saka ako tumingin kay Kai na nakafocus sa laptop nya at may headset pa.

Nanatiling tahimik ang kwarto walang nagsasalita sa aming dalawa ni Kai. Buong oras na tulog si kailee ganon ang sitwasyon nabreak lang ang silence sa pagitan namin ng pumasok si Mama sa loob ng kwarto "Oh.. Umuwi ka na muna Aria, magayos ka muna ng sarili mo" sabi ni Mama sa akin.

The Game of Sweet Pleasure [ COMPLETED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon