Twenty One

18.5K 639 42
                                    

Dumating ang uwian..

Samie already texted me na nasa gate na siya at hinihintay ako kaya di na 'ko nag aksaya ng oras na puntahan siya.

Yung totoo medyo uh.. nasa isip ko pa din yung text niyang mahal daw niya ko, actually yun ang gumugulo sa pagaaral ko kanina pa. Kaya nga babatukan ko siya pagnakita ko eh, dahil kasi sakanya hindi ako makapag focus sa pag aaral. Sinabihan pa man din niya 'ko na mag aral mabuti.

Sa pag labas ko ng gate, nakita ko agad yung kotse ni Samie tingin ko napansin niya ko dahil bumaba siya mula sa kotse at napataas kilay ako nang makitang nakapag shave na siya.

Wala na yung nakalimutan-magshave look niya. Ang gwapo niya nung ganun pa ang look niya pero iba parin talaga pag nakapag shave siya, gwapo pa din siya mas malinis na version nga lang. Ewan, kahit naman ata anong gawin niya sa mukha niya gwapo siya eh.

"Bakit bigla mong naisipang mag shave?" Tanong ko pagkalapit ko sa kotse niya.

"Kasi may pinapagwapuhan na ulit ako." He winked making me giggled. Parang kahapon lang ang cold niya sa'kin tapos ngayon may pakindat kindat na siyang nalalaman.

"Sira! Umalis na nga tayo." Tumango lang siya sa'kin bilang sagot tsaka niya 'ko hinawakan sa kamay at pa'genteleman na pinag buksan ng pinto sa kotse niya.

Teka! May nakakalimutan ata akong gawin ah. Nawala yun sa isip ko dahil sa kagwapuhan ni Samie.

Nang makasakay kaming dalawa sa kotse niya, hinampas ko siya sa balikat niya. Gusto ko sana talagang batukan siya kaya lang di ko na tinuloy.

"Aww! Para saan yun?" Pagtataka niya.

"Wala lang, gusto ko lang gawin." Tumitig lang siya sa'kin na tila hindi convince sa sinabi ko. I just make a pa'cute face.

Ngumiti siya at inistart ang makina ng kotse tsaka namin sinimulan ang byahe papunta sa... wait saan nga ba kami pupunta? Uuwi na ba kami agad? Ang aga pa eh.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko.

"Bakit, may gusto ka pa bang puntahan?"

"Mmmm... ewan ko, ang aga pa kasi eh parang ayaw ko pang umuwi."

"Hindi ka ba napagod sa school?"

"Nakaupo lang ako dun at nakikinig sa lectures ng Prof. kaya hindi ako mapapagod."

"Gusto mo bang sa Unit ko muna?" Tanong niya.

"Hmm... sure sige." Matagal na din pala mula nang huling punta ko dun.

Pinagpatuloy namin ang byahe papunta sa Unit niya hanggang sa makarating kami niya.

Sabay na kaming bumaba sa kotse at di na hinintay na magpaka gentleman pa siya. Lumapit din naman agad siya sa'kin at hinawakan ako sa kamay tsaka kami sabay na nag lakad papuntang elevator.

Habang nag hihintay na mag bukas ang elevator napansin kong nakatingin sa'kin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nagagandahan lang ako sa girlfriend ko." Nakangiti niyang sabi sabay halik sa ulo ko.

"Di ka parin sanay na maganda ako?" Pabiro kong sabi.

He chuckled. "Medyo nasasanay na, titigan ba naman kita palagi eh."

Nag bukas ang elevator kaya ang pag papacute nitong jowa ko ay nahinto. Pag pasok namin, pinindot niya lang yung buton paakyat ng floor niya.

Nang mag bukas naman ito, sinimulan na naming mag lakad papunta sa Unit niya at sa tapat ng pinto nakita namin ang isang babae na nakatayo.

Play With KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon