Twenty Nine

14.9K 475 12
                                    

Nasa parking na kami ngayon ni Samie dito sa Condominium ko. Sinabihan ko siyang i-diretso nalang niya sa Unit niya 'tong kotse at 'wag nalang ako i-hatid mismo dito kasi kotse ko naman anag gamit ko. Kaso 'di siya pumayag kasi gusto daw niya akong ihatid. Gusto daw kasi niya ng mahabang moment kasama ko baka daw kasi sabihin ko ulit 'yung MK words na 'yun.

'Di talaga ako makapaniwalang na banggit ko 'yun.

Sabay kaming bumaba ng kotse, hinintay ko lang siyang makalapit sa'kin bago ko simulang nag lakad. Pagkalapit niya sa'kin inabot niya lang 'yung susi ng kotse ko tsaka kami sabay na nag lakad habang nasa bewang ko 'yung kamay niya.

Habang nag aabang kami sa pag bukas ng elevator, itong jowa ko 'di mapigilang mag lambing. May mga pasimpleng halik kasi lagi sa ulo ko.

Nang mag bukas naman ito sumakay agad kami at si Samie na ang pumindot ng floor papunta sa Unit ko hanggang sa makarating kami sa tamang floor. Dumiretso naman kami sa paglalakad papunta sa Unit pero napahinto ako sandali sa pag lalakad nang makita ko si Papa sa labas ng Unit ko habang paulit-ulit ang doorbell.

"Pa?" I called him. Tumingin siya sa direksyon ko at tila naka hinga ng maluwag. Paniguradong kaya 'to nandito para makipag ayos kay Mama kaya lang bakit nasa labas siya?

"Ano pong ginagawa nyo dito sa labas?" Tanong ko habang nag lalakad kami papalapit sa kanya.

"'Yung Mama mo kasi ayaw akong pag buksan."

Haay! Sa Unit ni Samie nalang pala sana ako nakitulog. Ba't ba 'di ko naisip 'yun kanina?

"Akala ko ba hindi na kayo nag kikita ni Sam?" Tanong ni Papa habang nakatingin kay Samie.

"May hindi lang po kami pinagkaintindihan noon Sir, pero ngayon ayos na kami." Samie explained.

"Tama 'yan. Dapat pinaguusapan ang mga hindi pinagkakaintindihan para maayos agad." Advice ni Papa. Gusto ko sanang mag roll ng eyes kaso pinigilan ko.

Binuksan ko nalang 'yung pinto gamit ang susi ko para makapasok na siya. Pag bukas na pag bukas ng pinto 'di na nag akasaya ng oras si Papa at pumasok agad.

Bago ako pumasok humarap muna ako kay Samie. "Pwede ba 'kong matulog sa Unit mo? Ayoko dito ngayon, nandito 'yung mag asawa." Ayokong marinig pag aaway nila mag damag.

"Uh... y-yah, ayos lang."

Nag simul na kaming pumasok at narinig ko na agad ang boses ni Mama. "Diba sabi ko sa'yo umuwi ka na?"

"Honey alam mo namang hindi ako uuwi nang hindi ka kasama." Papa said.

"Hindi ako uuwi!"

Napa buntong hininga nalang ako sa napailing dahil sa kanilang dalawa. Hinila ko nalang si Samie diretso sa kwarto ko. Pag pasok namin, binitawan ko si Samie at dumiretso sa closet ko para kumuha ng pangpalit ko mamaya sa pag tulog at pang pasok bukas sa school.

"Ayos ka lang?" Pagaalala ni Samie.

I shake my head without looking at him. "Nakakahiyang naririnig mo pang nag aaway mga magulang ko."

"Hindi mo kailangang mahiya. Isipin mo nalang na simbolo lang sila ng mga lumalaban sa love." Pagpapagaan niya ng loob.

"Kalokohan!" Minadali ko na ang pag kuha ng gamit at nilagay 'to sa bag. Kinuha ko na din 'yung bag ko for school and... okay na.

"Tara na?!" Pagmamadali ko. Tumango lang siya bilang tugon. Kinuha niya 'yung bag sa'kin para siguro siya na ang mag bitbit.

Lumabas na kami ng kwarto at dumiretso sa sala na nag aaway pa din. "Kay Sam muna ako matutulog ngayon." Pag sisingit ko sa usapan nila kaya nabaling ang tingin nila sa'kin.

Play With KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon