Thirty Six

13.8K 459 16
                                    

Nandito na kami ngayon ni Samie sa tapat ng bahay ng parents ko. Halatang kinakabahan siya, kitang-kita 'yun sa mukha niya. Mas parang kinakabahan siya kesa sa unang punta niya dito. Kung sabagay iba naman kasi noon at ngayon. Ngayon kasi binuntis niya 'ko.

"Baba na tayo?" Tanong ko sa kanya.

"Uh... si-sige." Nauutal niyang sabi. Sabay na kaming dalawa na bumaba sa kotse. Hinintay ko siyang lumapit sa'kin tsaka ako nag salita.

"Ayos ka lang?"

"Sobrang kinakabahan ako."

"'Wag ka ng kabahan." Hindi ko alam kung makakatulong ba 'yung sinabi ko. Malay ko ba kasi sa mga pagpapalakas ng loob pag dating sa mga ganito.

Ang totoo kinakabahan din naman ako eh, baka kasi bigla silang mag tanong about kasal eh hindi pa 'ko handa sa ganung bagay. Mahal ko nga si Samie pero ayoko pa rin nung kasal na 'yun.

"Susubukan ko." Hinawakan ko nalang 'yung kamay niya para makapasok na kami. Kahit sinabi niyang susubukan niya parang wala pa rin naman siyang planong mag lakad.

Sa pag pasok namin sa bahay nakita ko na 'yung kapatid kong si Kevin sa sala. "Hey Kev." Tawag ko sa kanya.

Tumingin siya sa direksyon ko at tumakbo papalapit sa'kin. "Ate!" Sinalubong ko siya ng yakap at kinarga niya kahit ang bigat na niya.

"How are you big boy?" I asked.

"Good."

"Kevin, 'wag ka ng mag pa-buhat sa Ate mo."  Sabi 'yun ni Mama habang pababa galing taas.

"Ayos lang po, ako naman ang bumuhat sa kanya." I said.

"Kahit na, mabigat na siya kaya ibaba mo na. Hindi magandang mag buhat ka pa ng mabibigat." Sinunod ko nalang 'yung sinabi niya.

Lumapit sa'kin si Mama at bumeso sa'kin bilang pag bati niya. Si Sam naman kahit kinakabahan nag mano pa rin sa kanya. "Kumusta may mga morning sickness ka na ba?" Mama asked.

"Wala pa po sa ngayon. Alam po ba ni Papa na pupunta kami ngayon?" Pagiiba ko ng topic.

"Yah. He knew."

"Nasabi nyo na po ba 'yung tungkol sa pagbubuntis ko?"

"No. Ang gusto ko kayo ang mag sabi."

"Nandito na ba sila?" Boses 'yun ni Papa na halos mag echo sa loob ng bahay.

"Nandito na sila, honey." Sagot ni Mama.

"Mabuti naman at napa bisita ulit kayo dito." Papa told us.

"May sasabihin daw kasi sila." Sabi naman ni Mama.

"Ganun ba, osige maupo na tayo."

Hinawakan ko na ulit sa kamay niya si Samie tsaka kami umupo sa couch. Habang sila Mama at Papa nasa separate na upuan.

"Anong sasabihin nyo?" Tanong ni Papa sa'min.

"Uh... tungkol po sa uh... b-buntis po si Kelly." Kabadong sagot ni Samie. Biglang naibaling ni Papa ang tingin sa'kin na halatang na bigla.

"Totoo ba 'yun?" Tanong niya sa'kin. Tumango lang ako bilang sagot.

Huminga siya ng malalim. "So, anong plano nyong dalawa?"

"Nag sasama na po kami, para po mabantayan ko si Kel sa pagbubuntis niya." Sagot ni Samie.

"May plano ba kayong mag pakasal?" Haay! I knew it mapaguusapan ang tungkol dito.

"Wala pa!" Mabilis kong sagot. "Ayos pa sa'min ang ganitong setup kaya hindi pa namin pinag uusapang mag pakasal."

"Ganun ba. Saan kayo tumutuloy ngayon?" Tanong ulit ni Papa. Haay! Buti nalang iniba niya agad 'yung tanong.

Play With KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon