Thirty Five

13.2K 468 14
                                    

Naramdaman ko ang pag haplos sa forehead ko na dahilan para magising ako. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Samie.

"Hi, magpapaalam lang ako na aalis na 'ko." He said.

"Mmm." He kissed my forehead.

"I love you."

"I love you too." I murmured.

"Matulog ka pa, maaga pa naman." Tumango lang ako bilang sagot tsaka ko muling ipinikit ang mga mata ko. Buti sinabi niya 'yun inaantok pa kasi talaga ako eh.

Nagising ako muli ako sa pagkakatulog. Minulat ko ang mata ko at wala ng Samie akong makita. Tumingin ako sa orasan mula sa side table ko at bigla akong napa-upo ako nang makitang twenty minutes nalang ang preparation sa pag pasok sa school.

Shit! Napa sarap ako ng tulog. Urgh! Mala-late ako nito.

Bumangon agad ako ng kama ko tsaka ako kumuha ng towel para pumasok sa bathroom at makapag shower na. Binilisan ko lang pag shower, tingin ko nga ten minutes lang 'yun.

Sa pagtapos ko mag shower, nag bihis naman agad ako. Nag make-up lang at 'di na nag abalang mag blower dahil ikaka-late ko lang 'yun.

Nang matapos akong mag asikaso, lumabas agad ako ng Unit bitbit ang gamit ko. Dumiretso agad ako ng kotse, sumakay ako ng driver seat at ini-start ang makina tsaka ko sinimulan naman ang byahe papuntang school.

Sa pag mamadali ko, nakalimutan ko nang mag breakfast. Siguradong gutom ako nito sa gitna ng klase mamaya.

Nang makarating ako ng school, pag park ko bumaba agad ako ng kotse ko. Dahan-dahan pero nandun ang pagmamadali ko sa paglalakad dahil five minutes nalang at simula na ng klase ko.

Sa pag dating ko ng classroom ko, saktong kadarating lang din ng prof. namin maya nakaabot ako kahit papaano. Umupo agad ako sa silya ko at huminga ng malalim. Na pagod ako dun ah.

Nang matapos ang lahat ng klase ko...

Sa lahat ng klase ko halos antukin ako sa 'di ko malaman na dahilan siguro dahil 'to sa pag bubuntis ko. Ayaw ko mang pansin pero 'di ko maiwasang mapansin na lumalakas na din akong kumain. Hay! Feeling ko nga gutom na naman ako.

Nag punta naman agad ako ng parking para mag byahe naman pauwi. Gusto ko ng matulog ulit.

Pagkasakay ko ng kotse, nag text muna ako kay Samie my love.

** Pauwi na 'ko pogi. ♥ **

Pagka-send ko sa kanya ng text ko. Ini-start ko na 'yung makina tsaka ko sinimulan ang byahe pauwi.

Sa pag dating ko ng parking. Pinatay ko lang 'yung makina ng kotse tsaka ako bumaba at sinimulan ang mag lakad papuntang elevator.

Habang nag hihintay na mag bukas ito, may narinig akong tumawag sa'kin.

"Kelly," Nang tignan ko kung sino 'yun si Mama ang nakita ko.

"Ma, ano pong ginagawa nyo dito?" Pagtataka ko.

"Hindi mo kasi ako binalitaan kung anong nangyari sa hinala natin tungkol sa kung buntis ka." Sagot niya.

"Tungkol dun kaya ka pumunta dito?" Pagtataka ko.

"Oo, gusto kong malaman kung buntis ka nga."

Nag bukas ang elevator kaya sabay na kaming sumakay ni Mama. Pag sira nito huminga ako ng malalim at sumagot sa concern ni Mama. "Opo, buntis ako."

Medyo matagal bago siya nag salita muli. "Si Sam ba ang ama?"

"Opo."

"Alam na ba niya?"

Play With KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon