Twenty Six

15.8K 508 33
                                    

After naming kumain ng breakfast na luto ni Mama, di rin naman nag tagal umuwi na si Samie para daw magkapag shower muna siya. Nag usap kami na magkita nalang mamayang gabi. So ang kasama ko nalang dito ngayon sa unit ay si Mama.

Sa pag alis din naman ni Samie, nag shower muna 'ko dahil plano ko na ring puntahan 'yung kotse ko.

Nang matapos naman akong, paglabas ko palang ng bathroom naabutan ko si Mama na inalalagay 'yung mga pang hygiene na binili niya para sa'kin sa ibabaw ng side table ko.

"Ikaw na mag lagay nito sa mga lagayan nila, okay?" Mama said.

"Opo, salamat." After niyang mabigay 'yu lumabas din naman agad si Mama ng kwarto ko kaya ang una kong ginawa ay nag bihis agad. Dahil pagkuha lang naman ng kotse ang plano kaya di ko na binonggahan ang pagbibihis. T-shirt at ripped jeans lang keri na.

Nang matapos naman akong mag bihis. Inisa isa ko na ilagay 'yung pinamili ni Mama sa mga tamang lagayan nito. Nang magawa ko 'yun nag paalam na 'ko kay Mama para umalis.

Sumakay agad ako ng taxi pagkaalis ko at sinabi kay Manong driver kung saan ako ihahatid. Habang nasa byahe ako naisip ko na i-text si Samie..

** Pogi, on the way na 'ko para kunin 'yung kotse sa Club. 😚 **

Nang makarating naman ako Club, kotse ko agad ang pinuntahan ko pero bago ko pa man mabuksan 'yung pinto sa kotse ko, nakita ko ang kotse ni Damian na magpa-park na.

Bumaba siya mula sa kotse niya at tumingin sa direksyon ko. Ngumiti lang ako sa kanya bilang pagbati, para naman isipin niyang hindi ako snob after nung nangyari tsaka ko binuksan 'yung pinto ng kotse ko.

"Kell, sandali.." Pagpipigil niya sa'kin sa pagsakay.

I face him and give him a why look.

"Pwede ba tayong mag usap muna? Bago ka umalis."

"Uh... sige." Pag sangayon ko.

"Sa loob tayo." Nag simula siyang mag lakad papasok ng Club kaya sinundan ko nalang siya. Ano kayang pag uusapan namin?

Pag pasok namin wala pang costumer dahil nga maaga pa naman. Dumiretso kaming dalawa sa bar station, ako umupo lang siya naman ang kumuha ng drinks para sa'min.

Nag lagay siya sa dalawang baso ng ice and nilagyan niya 'to ng tequila. Inabot niya sa'kin 'yung isang baso habang sa kanya 'yung isa. Nag cheers muna kami tsaka sabay kaming umimun.

"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko pagkatapos kong umimum.

"About kagabi... i'm uh... sorry."

"Ayos lang lasing ka lang nun."

He smiled, weakly. "Oo lasing ako nun pero alam ko naman kung anong ginagawa ko. Tinulungan lang ako ng alak na iparating sa'yo 'yung nararamdaman ko." Hinawakan niya 'yung kamay ko at hinalikan ito.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo na bumalik sa'kin?" Seryoso niyang tanong.

I shake my head. "Hindi na." I frankly said.

"Kung ganun baka pwedeng mag request kahit isang goodbye kiss lang."

I shake my head. "Sorry pero hindi pwede."

He chuckled, weakly. "Seryoso ka na talaga sa kanya ah."

"Siguro. Kung ano man 'tong nararamdaman ko for Samie, gusto ko 'to. Masaya ako at kuntento. Best feeling so far."

Play With KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon