Thirty Eight

13.5K 401 10
                                    

Off to school.

Nandito ako ngayon sa tapat ng gate at hinihintay ang boyfriend ko. Samie planned na sunduin ako gusto daw niya kasi akong i-date so sino ako para tumanggi lalo na't may food na kasama ang pag di-date. Nitong mga nakaraan na araw kasi nag sisimula na ang mga morning sickness ko, pagkagutom ng malala at paglilihi ay nararamdaman ko na. Kawawa na nga siya eh, kasi sa madaling araw talaga ako lagi nag hahanap ng gustong kainin. Tsaka napapadalas ang pagtataray ko sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Minsan gusto ko siyang makita, minsan naman asiwa ako. Ang sensitive pa ng pang-amoy ko. Urgh! Ang hirap mabuntis.

Ganito pala ang epekto ng pagbubuntis, ngayon ko lang nalaman. Hindi naman kasi umabot sa ganitong stage 'yung sa una kong pag bu-buntis eh.

Finally dumating na si Samie, ang tagal kong nag hintay. Bawal pa naman pag hintayin ang buntis. Binuksan ko agad 'yung pinto ng kotse tsaka ako sumakay.

"Bakit ba ang tagal mo?" Irita kong sabi.

"Sorry, na traffic lang."

"Tss." I crossed my arms. Parang tinamad na tuloy akong makipag date.

"Sorry na, 'wag ka ng magalit." Pag hingi niya ulit ng tawad. "'Wag ka ng sumimangot, sige ka baka pumangit baby natin niyan." Biro niya.

"Samie kahit nakasimangot ako maganda ako, kaya panigurado itong baby kahit anong simangot ko maganda or gwapo pa din ang kaalabasan. Hindi siya malulugi sa pareho niyang good looking parents nu."

He laughed. "Kung sabagay."

"Mag maneho ka na nga lang!" Tawanan daw ba 'yung pagka-irita ko? Nasanay na siguro sa mga pagtataray ko.

"Yes, Ma'am." He playfully said.

Sinimulan na niya ang pag mamaneho, buti naman dahil nagugutom na kami ng baby ko sa tyan.

Inabot din ata ng kahating oras ang byahe namin ni Samie hanggang sa makarating kami sa isang kilalang kainan na nag be-benta ng chicken inasal na talaga namang hinahanap ng tummy ko.

Oh gosh!! Magwawala sa saya ang baby ko nito dahil chicken inasal ang kakainin namin.

"Sabi na eh, mapapangiti ka kapag dito kita dinala." Samie said. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng malaki tsaka ko siya hinalikan ng mabilis sa pisnge niya.

"Salamat."

He smiles. "Welcome."

Nauna siya sa'ming bumaba ng kotse para pumunta sa side ko at pag buksan ako ng pinto. Inalalayan niya lang 'kong bumaba. Pagkasara niya ng pinto sa kotse magka-hawak kamay kaming pumasok sa kilalang kainan.

"Maupo ka na, o-order lang ako." Sabi ni Samie sa'kin. Tumango ako bilang tugon tsaka ko sinimulan muli ang mag lakad at humanap ng pwedeng pag pwestuhan.

Umupo ako sa tabi ng glass wall dahil dito ang may bakanteng pinaka malapit. Inabot din ata ng limang minuto bago dumating si Samie pero ang hawak palang niya sa ngayon ay number. Ibig sabihin mag hihintay pa kami.

Napa nguso ako dahil dun.

"Pasensya na kailangan pa nating mag hintay eh." Pag hingi niya ng tawad.

"May magagawa ba tayo?" Kainis naman! Takam na takam na 'ko eh.

Dumating din naman ang inorder ni Samie na halos inabot nang seven minutes or less, i don't know hindi ko na bilang.

Paglapag palang ng waiter nung order namin, todo takam na 'ko kaya pagkaalis na pagkaalis nung waiter kinain ko naman agad 'to.

Naka kamay kong kinain ang inasal dahil mas masarap 'tong kainin kapag naka kamay. I don't care kung very unlady-like na 'tong pagkain ko sa harap ni Samie, well sanay naman na siya. Na e-enjoy pa nga daw niya kapag ganito ako kumain eh.

Play With KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon