Thirty Four

12.9K 450 22
                                    

Nasa byahe na kami ngayon ni Jess papunta sa... hindi ko alam. Choice niya kasi kung saan kami pupunta dahil siya naman ang driver ngayon.

"Alam mo, ibang-iba ka na ngayon sa Kelly na nakilala ko." Jess comments while driving.

"Pansin ko din naman 'yan." Pagsangayon.

"Tinamaan ka na talaga ng bongga sa kanya ah."

"Yah!" Pagamin ko.

"Mahal mo na?"

"Yah."

"Aba! Akalain mo nga naman, si Sam lang pala ang makakapag pa-in love kay Kelly the player. Pumuti na ba ang uwak?"

I chuckled. "Siguro nga pumuti na sila."

"Buti inamin mo sa kanya 'yung tungkol sa pagbubuntis mo, unlike dati."

"Ayaw ko lang na may pagsisihan pa ulit."

"Tama ka dyan! Kasal na sunod." Excited niyang sabi.

Kasal? Woe! Nakakaloka siya!

"Hey, i love Samie pero hindi pa 'ko handa sa kasal."

"Bakit naman eh mahal nyo naman isa't-isa? Tapos buntis ka pa."

"Oo nga pero ibang level na 'yung kasal. Tsaka bakit pa kailangan nun? Purket mahal lang isa't-isa kailangan ng magpakasal? Madami din naman couple ang hindi kasal pero nag sasama ng maayos."

"Okay okay," Natatawa niyang sabi.

Haay! Ba't ba 'yun ang na i-open niyang topic? Kaloka! Sana makarating na kami sa pupuntahan namin.

Dinala kami ni Jess sa isang cafe, i don't know kung bakit dito siguro dahil may gusto siyang cake dito. Sabay kaming dalawa na bumaba sa kotse at pumasok ng Cafe.

"Maupo ka muna, ayokong mapagod ka baka kung ano pang mangyari sainyo ng future inaanak ko. Ako na ang o-order ng cake."

"Okay din pala ang mabuntis, nagiging prinsesa ka." Biro ko.

She rolled her eyes. "Whatever Kelly girl."

Just like Jess said, umupo na muna 'ko habang pinag mamasdan siyang pumili ng cake. Sana naman masarap 'yung orderin niya. Kung sabagay lahat naman ata ng cake masarap.

"Kelly?" Dinig kong tawag sa'kin ng isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa direksyon nun at nakita ko si Damon na naka salamin. Wow! Ang gwapo talaga ng mokong 'to.

"Lawrence, what are you doing here?" I asked.

Pinakita niya 'yung coffee na bitbit niya. "Bumili ako ng coffee para sa mga ka-officemate ko, kabayaran sa pagiging late ko."

"Bakit ka na late?"

"Kasalanan ng asawa ko." He smirked.

"Kasalanan ng asawa mo o kasalanan mo?"

He laughed. "Kasalanan niya, inakit ako eh." Pareho lang sila, nag sisihan pa.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

Tinuro ko sa dirkesyon niya si Jess at binaling naman dun ni Damon ang tingin niya. "Bumibile ng cake kasama ng kaibigan. May celebration kasi kami ngayon."

"Anong celebration?"

"Uh..." Dapat ko bang sabihin sa kanya? "Dahil sa uh... buntis ako."

Kita sa mukha niya ang gulat. Malamang sinong hindi magugulat ako na ata ang pinaka maingat sa lahat tapos na buntis ako.

"Pwede ba 'kong makiupo?" Tanong niya sabay turo sa upuan sa tapat ko. Tumango lang ako bilang sagot. Inilapag niya sa lamesa 'yung mga coffee at umupo.

Play With KellyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon