Mamaya na ako gagawa ng scenario o mag uupdate sa Mundo Mystiko. XD Letter nalang muna sa ngayon. (Letter na naman! xD)
Sa Pinakamamahal kong Kyungsoo,
Happy happy birthday po, Kyungie. Ilan taon ka na ba? Grabe. Ang tanda mo na.
Sandali lang, hindi ko na alam ang sasabihin ko. Haha. Wala talaga akong kwenta sa pag gawa ng mga seryosong liham.
Uh, yun, lagi mong tatandaan na kahit hindi man makakarating sayo 'tong munti kong liham ay mahal na mahal parin kita. Pati boses mo, mukha, kahit pa ang malalaking mata mong nagmumukha kang kwago, at lalong lalo na yung ngiti mong hugis puso. ♡
Salamat sa pagsilbing isang inspirasyon sa isang musmos na tulad ko at nawa'y hindi bababa ang grades ko dahil sainyo. xD Dejoke. Sana ay magiging successful pa kayo sa mga nalalabing araw and continue to make us, fangulls, scream at your charismas. Mahal parin kita kahit na hindi ako makakapunta ng concert niyo this year.
At hehe, bago ko tapusin itong walang kwentang letter ko, gusto ko lang sanang batiin kayong dalawa ni Jongin.
Advance Happy Kaisoo day!
Hehehehehehe. :> Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag imagine ng mga kahindik hindik na bagay na mangyayari bukas.
Kung ano ang mangyayari. Kung ano ang masisira at kung ano ang mabubuo. Sana maging matatag pa kayong dalawa in the next years.
Kung ano ang tatayo at kung saan kayo uupo. Saan ba ang venue ng birthday mo? Dapat spesyal yan. Yung bongga. Mala kiddie party lang.
Kung ano ang kakainin at kung sino ang kakain. Sino kaya ang mga invited? Dapat no girls allowed. Hindi lang rin naman ako makakapunta edi mas maiging hindi rin makakapunta ang ibang babae. Dejoke. Enjoy lang kayo. ~
Kung gaano kahaba at kung malasa ba kainin. Umaygas. Gusto ko rin tuloy kumain ng spaghetti mo, Kyungsoo. Masarap siguro ang luto mo, ano? Hehe. Syempre. Tinatanong pa ba 'yan?
Sige, masyado nang umaapaw ang Kaisoo feels ko. Humayo kayo't magparami, Kyungsoo at Jongin.
Ako'y magpapaalam na. XD
Saranghamnida, Do Kyungsoo. Happy Birthday once again! ♡

BINABASA MO ANG
[EXO] EXOwlabawtdem
Fanfictionbabala: napakajologs. pramis. jejedays ko 'to. korning scenarios lang makikita nyo kaya paumanhin kung naumay kayo.