Spasmeyts

62 0 0
                                    

140125

Kayo ba nung time na una niyong nagustuhan ang Exo, may mga spazzmates na rin kayo? Kapwa exo stan? Kaibigan o kahit kapwa kpop stan nalang na nasa ibang groups ang bias at hindi Exo?

Kung ganun, ang swerte niyo pala. TT_TT

Nakakainggit lang. Yung makakita ka ng mga babaeng nagtitilian kasi ang hot at sexy ng bias nila, nagtatawanan dahil ang epic ng mukha ng bias nila pag nagderp, nag tatalking tungkol sa mga sasaeng fans na nanglulusob sa pamamahay ng bias nila. Mga ganun ba.

Since nagustuhan ko kasi yung Exo, solo spazzing ang peg ko. Wala naman kasi akong kilalang Exo stan din aside kay third year unnie na hindi ko naman syadong ka close at well, third year na siya. Merong may gusto sa Bigbang, 2NE1, Infinite, at SNSD sa klase namin pero haler, hindi naman ako V.I.P, Blackjack, Inspirit at Sones. Kaya hindi parin kami makarelate.

Kaya ayun, mula nung una kong nagustuhan ang Exo hanggang around November ata, solo flight lang talaga ako sa pag iispazz at syempre, ang kaisa isang spazz zone ko ay dito. Sa Wattpad XD Twitter din minsan pero sa Facebook wala. Wala kang makikitang kahit isang bahid ng pagiging Exo stan ko dun.

Ahh sa Instagram pala. Hahahaha. Andun lahat ng ebidensya.

Naaawa ako sa sarili ko, puro virtual spazzing lang ang nagagawa ko. Tsk tsk. Meron pala akong kaibigan nung elem. (lol) na Exo stan din kaso nasa Maynila yun e, kaya ayun, nakakatulong naman kahit papaano kahit chat chat lang kami lagi. Hahaha. Saklap ng buhay ko. Ayaw ko namang magspazz kasama ang mga bespren ko nang todo dahil mauumay sila sakin. XD Yoko maging burden. Chars. Bumuburden!

Mayroong nakikitili at nakikiepal din saakin sa klase pero nakikitili lang sila dahil ang gwapo ni Sehun at Luhan. Hindi nila bet ang ibang members kaya err, sigi nalang. Hinahayaan ko nalang. Hindi naman ako ganun ka KJ para basagin ang makamundong pagnanasa nila sa HunHan.

Kaya sigi lang. Go lang mga ateng.

Hanggang sa isa sa mga araw ng malamig na Nobyembre, parang tingin ko ata ako ang pinakamaswerteng nilalang sa mundong ibabaw dahil bigla nalang akong inichat ng bespren ko na mababaliw na daw siya sa Exo.

Ako naman parang, bakit.. shet.. wait.. what?

BESPREN KO EXO STAN DIN?

AGSGHSJSJAJDN@&#&&@agdghaF. T__T

Hindi maintindihan ang kasayahan ko nun. Gusto kong pasalamatan ang lahat ng santo dahil huhu, hindi naman ako nagdemand na magkaroon ng spazzmate. Hindi ko naman hininging magkaroon ng spazzmate dahil keri ko naman ang solo spazzing kahit na minsan puputok na ako sa kilig at wala akong maisheshare-an nun.

Pero ang gawing Exo stan din ang bespren ko? Wala na. Ang saya saya ko lang. Pinakamagandang December gift para sa 'kin. Kaya pagkatapos nun, nagkita agad kami at AgdghsAjhdhaja lang talaga. Tae siya. Inaaway pa niya ang Exo dati at si Luhan lang ang nagwapuhan niya dun pero ngayon, maka spazz para, ano ah? XD Chars lang. HAHAHA. Parehas kami ng pinagdaanan. Magsasalita ng tapos na ayaw sa Kpop pero luh, look at us now. Kinain ang sinabi. Lol. Suho/Kris/Luhan/Kai biased siya. Gahahaha. Dun ko naranasan ang unang totoong spazzing kasama ang isang Exo stan din at ang maganda pa, bespren ko talaga ang kasama ko. ANG SAYA LANG. Nakakaiyak.

Pero sa kasamaang palad, hindi kami klasmeyt ni bespren at ang masaklap pa, hindi rin kami skolmeyt dahil nasa ibang school siya nag aaral. Pero keri lang, hindi pa naman dun nagtatapos ang blessing. xD

Bago kami bumalik ng school after the Christmas Break, may natanggap akong text ng klasmeyt kong Blackjack/V.I.P/Sones na nagpalaki ng mata ko nang husto.

Sabi niya daw obsessed na siya sa Exo like.. she kennot! T__T

Nagulat din ako nun na ngali ngali kong itapos ang cp ko dahil freaking shit lang. Yahabsbzbsksk bakit ganito?!? Magugunaw na ba ang mundo? Pagkabalik na pagkabalik namin sa school, unang pambungad agad namin sa isa't isa ay Exo.. at hanggang ngayon, siya ang kasama ko lagi kapag mag iispazz. Baekhyun/Kris/Suho biased siya. T_T Yah, Baekkie. T_T

Ang saya ng buhay ngayon. Thank you, Lord. Tapos na rin ang ilang buwan kong pagtitiis. Kahit dalawa lang ang kaclose kong Exo Stan, still, I'm thankful. Marami pang araw at taon ang dadaan, malay mo diba. Dun ko sila makita at mas dadami pa sila. Tiwala lang. ♡

Hart Hart life ♡

[EXO] EXOwlabawtdemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon