#StayStrong

27 0 0
                                    

150128-150201

Hindi ko mawari na pinagtitiisan ko parin ang grupo na 'to. Imagine, guys? Dalawang taon? Dalawang taon ko nang pinagtitiisan ang naguwagwapuhang mga lalaki na ito. Dalawang taon ko nang inaalay ang pagmamahal at atensyon ko sakanila. Dalawang taon ko na silang minamahal at sinusuportahan! (Nays naman)

Pero de, seryoso, sa kabila ng kagaguhan at kabulastugan na nangyari sa fandom, eto, nandito parin ako, handang isuko ang Bataan este--patuloy na iniibig ang Exo. Napabilib nga rin ako ng sarili ko e. 'Di ako natinag sa mga umalis. Kahit dalawang beses na nangyari 'yun, nakaya ko pa rin. Pati nga sa "nagbinata-lang-naghanap-agad-ng-maiirog," e, 'di ako napasuko. Yes naman poknat. Hindi naging dahilan ang kanilang pagmamahalan--kahit na sobrang nakakapanibugho--para matibag ang mas malakas na pagmamahal ko sa Exo.

Pero hay, kung minsan, di ko talaga maiwasang mahabag. Kung mapapansin niyo lang ang aura ng Twitter ngayon, parang ang daming nagbago. Kung dati eh, punong puno ng mga pagpapantasya nila sa exo ang newsfeed ko, ngayon, jusko, kapiranggot na tweets nalang ang mamamataan ko. /buntong hininga/

Paano nangyari yun? Asan na sila? Nasaan na ba sila ngayon? Crispin? Basilio?

Hindi ko maisip na may mga tao talagang hindi kinaya ang pangyayaring nangyari sa Exo at iyon ay lubos kong ikinalulungkot. Ikaw ba naman eh, alisan ng dalawang asawa nang wala man lang pasabi? Idagdag mo pa na nangaliwa ang fiance mo sa ibang babae? Alam mo yun? Parang dinudurog ang durog ko nang puso.

Nakakalungkot pero... hindi mo naman masisisi ang mga kaibigan nating lumisan kasi sobra sobra na ang dinaranas nila e. Aaminin ko, minsan rin akong napapaisip ng mga salitang "Delete ko na kaya 'tong pagkalaki-laking folder ng Kpop sa computer ko?" Minsan rin akong nagdesisyon na aalis nalang. Pero bakit ganoon? Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko aalis ako, may humihigit parin talaga saakin pabalik. Mayroong taling napakahirap tanggalin na kahit anong gawin ko, hinding hindi parin ako nito hinahayaang maka-alis sa tinalihan.

Siguro... siguro nga, ganyan ko talaga sila kamahal. Naibigay ko ang buong puso ko sa kanila at 'di ko na mabawi 'yun. Napamahal na ako sa kanila. Sobra sobra pa.

Kaya ngayong darating na Abril, magdidiwang talaga dahil dalawang taon na akong Exo-L. Alam kong maiksing panahon palang 'yan kumpara sa ibang Kpop fans na ilang taon nang nasa Kpop Fandom pero, hindi naman masama na icongratulate ang sarili, hindi ba? :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[EXO] EXOwlabawtdemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon