Message to Sehun

116 4 0
                                    

Waley ako sa mood gumawa ng korning scenarios ngayon. Kaya eto muna. Haha :D

I wrote this because I know what you feel, chinggu. I know. I know. I feel your pain. ;A;

-

Message to Sehun

~Dear Sehun,

  Hi, erhmm. Uh.. Ano ba? Pano ko ba 'to sasabihin? Kahiya 'to ah. Uhmm.. Dejoke. Parang magcoconfess lang, ano po?

So eto nga. Parekoy, alam na ng buong klase ko na ikaw ang ultimate bias ko. At tae lang, kakahiram nila ng phone ko at kakadaldal ko tungkol sayo, pati sila nagkagusto rin tuloy sayo! Tae lang diba? Parang nabubwisit na nga 'ko, e. 'Di ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman dahil akin ka, Sehun.

You're mine and mine alone, Sehun-ah.

Dejoke.

Kasi naman, minsan naiisip ko na, Oh dear god! Gusto rin nila si Sehunnie ko! Hindi maaari! No! Cannot be! Borrow one! Hinding hindi na ako magpopost ng picture mo sa IG dahil mas meexpose ang charisma mo! Lalagyan ko na ng lock ang phone ko para hindi ka na nila mapapantasyahan! Argh! Kahit mahirap magpigil *tumingin si Jongin sakin XD* hindi na ako magiispazz sa Facebook! Minsan parang gusto nalang kita ibulsa dahil ayaw ko may makakita sayo.

Pero sino ba ako?

Isang hamak na fan mo lang naman ako, Sehun-oppa. Ni-hindi mo nga alam na nageexist pala ang isang tulad ko sa mundong ibabaw. Ni wala kang kaalam alam na may isang musmos rito na iniidolo ka. Na tinitingala ka. At alam kong walang pag-asang makilala mo ako, oppa.

Ang saklap lang, diba? *broking harts*

Pero tama na ang drama. Matagal ko nang tanggap ang mapait kong kapalaran sayo, jagiya. Matagal tagal ko na ring tanggap na si Luhan ang karapat-dapat sayo. Ang taong nakalaan sa buhay mo. Nakanaks!

Alam mo, minsan? Mas gugustuhin ko pang magkatuluyan kayo ni Luhan deer mo dahil ayokong mapunta ka sa ibang gulls diyan. Atleast kayo ni Luhan, bagay kayo. Tanggap ko nga kayo, diba? Kumbaga, aprub na ako sainyo. May basbas na kayo galing sa akin. Hala, humayo na kayo't magparami!

Parang ganun?

But that's my possessive side talking.

Sayang naman ang lahi mo Sehun-ah, pag ganun. Jusko jugigo lang pag nangyari ang naiisip ko. Kaunti na nga lang ang matitinong gwapo dito sa sanlibutan, mababawasan pa? Diba!? Parang hindi pwede, e. Ano yun? Di tayo talo, jagiya? E, kung sapakin kaya kita? Hehe. Biro lang po. Pero yun nga, hindi maari pag ganun.

Paano ba? Mapupunta ka kay Luhan. Kung ganun nga, walang ibang gulls. Kay Luhan ka lang. Edi masaya sana! Hindi ka nga napasaakin, hindi ka rin nakamit ng ibang gulls! Mouhahaha!

Kaso parang mali talaga pag ganun, diba? Kaya, sige na nga. Ok lang saakin. Mapunta ka man kay Luhan o sa ibang gulls diyan, ok lang. Mahal kita, e. Alam mo yun. Kaya tatanggapin ko nalang ang napakasakit na katotohanan pag ganun nga.

Wala, e. Mahal talaga kita, e.

[EXO] EXOwlabawtdemTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon