140219
Hindi ko alam kung may makakarelate sakin dito pero.. kasi naman! Meron naman siguro no? Alam ko, meron. Normal pa naman akong fangull, diba?
Meron nga ba? =_=
Kung meron silang, "Identity Crisis." Ako naman, merong "Bias Crisis."
Bias Crisis - 'Yung hindi mo alam kung sino ba talaga ang Bias mo dahil one second, gusto mo siya. Two seconds, ay hindi pala. Si ano pala 'yung gusto mo. Three seconds, ah hindi rin pala! Mas gusto mo si ano. Four seconds, balik ulit sa una!
May pagkahawig ang BC sa Bias Wrecker.
Kapag sinasabi nating BW--alam mo kung sino ang bias mo pero may umeepal. Ang Bias crisis naman--hindi mo talaga alam kung sino ang gusto mo kasi maya't maya umaapaw ang feels mo sa iba't ibang members.
At mga kaibigan, sa kasamaang palad, pinagdadaanan ko ang.. ang nakakalitong pagkakataon ng buhay fan gull na 'yan.
Guys please lang...
Nababaliw na talaga ako. XDD
Mayroon akong limang bias, actually.
UB: Sehun
2. Luhan
3. Baekhyun
4. Chanyeol
5. Kyungsoo.
UB ko si Sehun dati. Pero kamakailan ko lang nawari na si Kyungsoo na pala ang nagmamay-ari ng puso ko.
Sumama ang pakiramdam ko nun nung nag change bias ako but at the same time, masaya naman ako in a way. Hindi ko alam. Gusto ko kasi 'yung nag-iisa lang ang UB ko forever. Kung siya, dapat siya na talaga. Pero kasi.. mas umaapaw 'yung feels ko kay Kyungsoo kesa kay Sehun. Kaya ayun, siguro nga si Kyungsoo na ang UB ko.
Pero ngayon.. ewan. Hindi ko na alam.
Malakas pa namam ang feels ko kay Kyungsoo. Kapag naririnig ko ang boses niya, pinagpapawisan parin ako. Subalit ngayon, kapag nakikita ko naman ang picture ni Baekhyun, ganun din ang nararamdaman ko!
Shet. Baekhyun. Baekhyun. Please lang!
Ewan ko. Gusto kong magwala kapag nakikita ko siya at naririnig ko ang boses niya. Jusme. y__y
At hindi lang 'yan. Si Sehun. T^T Si Sehun.. nagpaparamdam nanaman.
Magdodownload sana ako ng pictures sa tumblr ni Kyungsoo pero imbis na pangalan niya ang nilagay ko, unconciously, kay Sehun ang nalagay ko. Dali-dali ko ring dinelete 'yung pangalan niya at pinalitan nung kay Kyungsoo.
Sa nangyari, pakiramdam ko, alam na alam ng sistema ko na si Sehun ang hinahanap ko at hindi si Kyungsoo. Feeling ko, pinipilit ko lang ang sarili kong i-UB si Kyungsoo.
Kung sa relationship pa.. kumbaga, hindi pa ako makaget-over sa ex ko.
LOL. Pero syempre. Joke lang. Ex daw. Pfft.
Kaya ayun, naguguluhan ako.
Hindi ko alam kung ginawa ko lang ba yun dahil sa kaisipan na 'Dapat isa lang ang UB ko' o kaya naman totoong kay Sehun parin talaga ako. Idk, guys.
Hindi lang pala 'yan guys..
Si Kai. Ewan. Dati, parang inis na inis ako sa lalaking ito pero ngayon, mahal ko na rin siya. Dati, nakikisabay ako sa mga kaklase ko sa pang aasar sakanya subalit ngayon, hindi ko na siya kayang laitin. Lol
Nangingibabaw at nagsisitindigan narin ang balahibo ko kapag sumasayaw siya.
Hindi lang pala ulit 'yan.. guys. xD
Si Lay. Dati, dedma lang ang feels ko sa lalaking ito. K. Magaling siyang sumayaw, so what? Pero ngayon, na aappreciate ko na ang blankness niya. Natutuwa ako kay Lay. Parang ang sarap niya batukan kasi laging lumilipad ang isip niya. <3
Dejoke lang.
Natutuwa talaga ako kay Lay ngayon. Seryoso. Na aappreciate ko ang style niya kapag sumasayaw. Gustong gusto ko 'yun. T__T
Kaya ayun.. ang hirap... guys. Omg. Help.
Bias List ko ngayon:
UB: _________
HunHan
BaekYeol
Kyungsoo
Jong In
Lay
Walang numbers dahil hindi ko alam kung sino ang mas nangingibabaw. Kung sino ang mas naaayunan ng puso ko. Wala rin akong UB ngayon. I need time and space to evaluate my feels again .__.
Stay put lang sina Luhan at Chanyeol sa BL ko. Kina Lay at Kai naman, welcome sa bias list ko. ~_~
BINABASA MO ANG
[EXO] EXOwlabawtdem
Fanfictionbabala: napakajologs. pramis. jejedays ko 'to. korning scenarios lang makikita nyo kaya paumanhin kung naumay kayo.