Crushing and Crashing
Lj's POV
Pagkatapos ng nangyari hindi ko alam if may tampuhan ba kami or ano. Pero parang wala naman kasi ganun pa din siya, nagtetext lagi and caring pa din.
Habang nagsusulat ako ng notes, kinalabit ako ni Axiel sa likod.
"Usap tayo!"pabulong netong sabi.
Kumunot noo ko.
"Para saa-"hindi ko pa natatapos sinasabi ko hinatak na niya ako.
Nagpatianod na lang ako sa paghatak niya. Huminto kami sa lobby na walang masyadong dumadaan.
"Anong issue niyo ni Rid?"inis nitong sabi.
Kumunot noo ko.
"Ha?"takang taka ako sa sinabi niya.
Nagcross arms siya at bumuntong hininga.
"Si Rid kasi kapag galit nagiging mabait at sweet nakaka irita!"bulalas nito.
Tatawa sana ako kaso baka bigla ako netong suntukin sa sobrang inis. Joke.
"Hala ang cute!"hindi ko mapigilang mapangiti.
"Cute? Sa iyo. Paano naman kami? My gf, he's flirting with."fuming mad siya.
"Wait what?"gulat kung sabi.
Umiling iling ito.
"You never know that guy. My girl once fallen for him at kapag nangyari iyon yari ka sa akin."galit na tono niya.
I pouted.
"Ako? Aba teka nga muna. Kung ano man issue namin wala yung kinalaman sa inaakto ni Rid. At kung meron man, desisyon niya iyon. Fyi, if you don't want your girl na ma stole take good care of her."sabay irap ko at talikod pa alis.
Kaso hinawakan niya braso ko.
"Ikaw! Tutulungan mo ako."utos nito.
Tinaas ko kilay ko. Aba is he throwing shade on me?
"At bakit?"tumaas na ng konti tono ng boses ko.
"Kasi kasalanan mo kung bakit ganun si Rid."Parang bata niyang sabi.
"Sabi nga hindi ako."nakanguso ako.
"Ikaw nga!!!"nagtatantrum na siya.
"Hindi nga!!!!"sigaw ko pabalik.
Aba at cute niyang tinampal ang pisngi ko. Walang hurt or what basta ang cute. Kahit siya nagulat sa ginawa niya.
"Did I just slap you?"yung mukha niya nag alala.
Hinawakan niya muka ko, the softest touch.
"Sorry!"bulong niya.
All gates of hell break loose, he let his guard down.
"Ano ulit? Baka nagkamali lang ako ng narinig. Nikaclarify ko lang."seryoso kung sabi.
YOU ARE READING
My Knight In Shining Armor "Sungit"✔️ (COMPLETED)
RomanceOpposites attract right? Greatest Love* (c)2016 Axiel and Bella's POV