5. I LOVE MY FACEBOOK FRIEND

30 1 0
                                    

Ito ay tula para sa mga taong ang minamahal ay nasa social network na Facebook.

^_^_^_^_^_^

Nakilala ka sa social network na Facebook

Minsa'y wala akong magawa, inaantok

Sa isang saglit, may natanggap na mensahe

Mula sa hindi ko kakilala, hindi na bale

Hinihintay ang mensaheng darating

Atensyon ko'y nakatutok sa computer screen

Tipa ng tipa aking mga kamay

Kapag hindi ka online, 'di ako sanay

Nagkakilala tayo at mundo ko'y naging makulay

Naging masaya ako sa pagdaan ng araw

Makausap ka ay ang tanging hiling

Minsan sana ikaw din ay makapiling

Kahit sa Facebook lang tayo nagkakilala

Nahulog ako sa'yo nang hindi sinasadya

Ngayon ay gusto ka nang makasama

Dahil Facebook friend, mahal na kita

ALL ABOUT LOVEWhere stories live. Discover now