Ito ay tula para sa mga taong ang minamahal ay nasa malapit lang ngunit parang napakalayo nito.
^_^_^_^_^_^
Hindi mo ba nararamdaman ang tibok ng puso?
Lumalapit ako sa iyo ngunit ika'y lumalayo
Hindi ko alam kung iniiwasan mo nga ako
O sadyang hindi mo pansin ang tulad ko?
Mas mainam na lang na hindi tayo nagsasama sa isang lugar
Buhos ng aking damdamin para sa'yo ay laging umiiral
Pero kasabay naman ng puso kong nasasaktan
Sa tuwing nakikita ka na parang wala ako sa'yong kapaligiran
Hindi ako abot ng iyong mga mata
Hindi mo ramdam aking presensiya
Hindi mo naririnig ang puso na umiibig sa'yo
Nasa malapit ka nga lang, pero parang napakalayo
Sana minsan magkalapit ating mga mundo
Mapansin ng puso ang isang kagaya ko
Ipaparamdam na tunay, wagas, at totoo
Ang pag-ibig kong ito ay nagsusumamo
YOU ARE READING
ALL ABOUT LOVE
PoesíaIto ay koleksyon ng mga tula para sa pusong nagmamahal. Malayo o malapit man sa isa't-isa, masaya o malungkot man ang istorya, maganda o masaklap man ang tadhana, patuloy pa rin natin silang mamahalin at susubaybayan, kahit sa huli an...