6. SECRETLY LOVING MY BEST FRIEND

37 1 0
                                    

Ito ay tula para sa mga taong ang minamahal ay ang kaibigan. 

^_^_^_^_^_^

Lahat ng tungkol sa iyo ay aking alam

Dahil tayo ay magkaibigan noon pa man

Alam mo rin siguro ang lahat sa akin

Ngunit wala kang ideya sa aking lihim na pagtingin

Ang tanging bagay na hindi ko maaaring sabihin

Ang laman ng puso na hindi pwedeng sambitin

Takot ako sa magiging resulta sa huli

Baka ito pa ang bunga ng aking pagsisisi

Ayokong layuan mo ako kapag nalaman ang totoo

Gusto kang makasama na ang tingin sa akin ay kaibigan mo

Ayokong mabago ang turingan nating dalawa pagdating ng panahon

Baka mawala pa ang ating pagkakaibigan na nagsimula noon hanggang ngayon

Ililhim na lang itong nararamdaman

Ang mga kataga ay hindi na kailangang bitawan

Mahal kita ngunit kailangan na lang hayaan

Itatago na lang ito upang hindi mo ko layuan

ALL ABOUT LOVEWhere stories live. Discover now