10. DEAR CRUSH

26 1 0
                                    

Ito ay tula para sa mga taong may crush. Lahat naman tayo ay may crush, diba? Kaya ang tulang ito ay para sa ating lahat.

^_^_^_^_^_^

Araw-araw, sumusulat ako sa aking mahiwagang diary

Nilalaman nito ay aking buhay  na puno ng pangyayari

Sa aking  lihim na crush at ako ay may pagtingin, wala ni isa nakakaalam

Sa bawat pahina ng aking aklat, pangalan niya lang ang tanging nakalaan

Dear Crush,

Dumaan ako mismo sa iyong harapan

At ikaw ay labis na pinakatitigan

Isinaulo ang bawat sulok at angulo

Ng iyong mga paa hanggang ulo

Nabusog ang aking mga mata

Walang masabi aking bunganga

Tuloy, hindi na makatulog, mga pagkain ko hindi na nakakain

Pero nararamdaman ko ang gutom kapag wala ka na sa paningin

Dear Crush,

Hindi mo napansin nang ako ay umupo sa tabi mo

Gusto kong hawakan ang iyong kamay, sino nga ba ako?

Hindi maaari, ayokong malaman mo ang bugso ng damdamin

Gusto kong idikit ang katawan, pero baka ako ay kaladkarin

Sabihin mo pang ako ay mamboboso

Umalis na lang ako baka makagawa pa ng loko

Kuntento ako dahil naamoy ko ang iyong pabango

Lumilipad sa kalangitan ang baliw na puso

Dear Crush,

Ako ay nasa malayo, ngunit heto papalapit na sa'yo ng tuluyan

Inilabas ang camera at kinuhanan ka ng mga larawan

Malapit nga sa iyo ngunit ako ay nagkukubli sa isang sulok

Mata ko sa iyo ngayon parang tanga, tutok na tutok

Ang daming tao sa paligid ngunit ikaw lang ang tanging nakikita

Ang ingay-ingay nila pero tibok lang ng puso ang pumapasok sa tainga

Salita sila ng salita ngunit boses mo lang ang naririnig

Ang baho-baho nila pero nalalamyos ko pa rin ang mabango mong tinig

Dear Crush,

Sana balang araw, ako rin ay mapansin

Nahihiya muna ngayon at ililihim muna ang pagtingin

Magpapansin na lang at kakapalan ang mukha sa susunod

Hini iyong wala akong ginagawa na parang uugod-ugod

Dear Crush,

Hanggang dito muna ang kaya kong sulatin

Ako muna ay magmumuni-muni tungkol sa aking damdamin

Asahan mo ako, ako ay gagawa ng hakbang

 Upang tayo minsan ay magakasama lamang

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 14, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALL ABOUT LOVEWhere stories live. Discover now