4. MY GAY BEST FRIEND

37 1 0
                                    

Ito ay tula para sa mga taong ang minamahal ay isang lalaki na hindi malaman ang kasarian.

^_^_^_^_^_^

Sabi mo noon sa akin, ikaw ay may pusong babae

Tumawa lang ako at sa piling mo'y naging komportable

Kapag may nakikita kang lalaki, parang ikaw ay ako

Pero kapag may nakikita kang babae, parang wala lang sa'yo

Pero isang araw, sabi mo'y ikaw ay naguguluhan

Kung ano nga ba ang tunay na kasarian

Lumipas ang araw ay wala pa ring nahahanap na sagot

Pero ito ako ngayon, sobrang nalulungkot

Hindi ko namamalayan na nahulog na pala ako sa iyo

Nakikita ng puso ko ikaw ay isang lalaking totoo

Masaya ako sa araw na tayo ay nagtatawanan

Sa mga oras na nagdaan na tayo'y nag-aasaran

Hinihintay kong mahanap mo ang tunay na ikaw

Dahil ako, nahanap na ng aking damdamin kung sino ang isinisigaw

Narito ako ngayon sa tabi mo, tahimik na nagmamahal

Ikaw, kailan ka magigising kung  ano ka ba talaga sa mundong ibabaw?

ALL ABOUT LOVEWhere stories live. Discover now