Ito ay tula para sa mga taong nagmamahal na hindi alam kung ano ang gagawin, kakalimutan na lang ba o maghihintay pa.
^_^_^_^_^_^
Naaala ko pa
Noong unang nagkita
Nahulog sa isa't-isa
Nang hindi sinasadya
Tayo'y naging magkasintahan
Nangako sa isa't-isa, "peksman"
Na walang iwanan
At tayo'y walang pag-aalinlangan
Ngunit ako ay may nalaman
Ako'y niloloko lang pala
Sana hindi ka na lang nakilala
Simula nang ika'y nakita
Hindi ka na naalis sa'king gunita
Iba na ang takbo ng aking mundo
Ako'y naguguluhan at naninibago
'Di ko alam ang gagawin
Parang ako'y lalagnatin
'Di ko alam ang gagawin
Parang ako'y hihimatayin
'Di ko alam ang gagawin
'Di ko alam kung ano ang sasabihin
Ako ay tuliro pa rin
Bakit sinaktan mo?
Nagdurugo ngayon ang aking puso
Paano kita makakalimutan?
Kung mukha'y mo ay naglalaro sa'king isipan
'Di ko alam ang gagawin
'Di na alam ang iisipin
Kakalimutan ka na nga ba?
O patuloy paring aasa?
('di ko alam)

YOU ARE READING
ALL ABOUT LOVE
PoesieIto ay koleksyon ng mga tula para sa pusong nagmamahal. Malayo o malapit man sa isa't-isa, masaya o malungkot man ang istorya, maganda o masaklap man ang tadhana, patuloy pa rin natin silang mamahalin at susubaybayan, kahit sa huli an...