Ito ay tula para sa mga taong ang minamahal ay nasa malayo.
^_^_^_^_^_^
Hindi ka man lang magparamdam
Hindi mo alam, ako'y nasasaktan
Huwag mo naman sana akong iwan
Kasi alam mo, puso ko'y naguguluhan
Sa sandaling nagkakausap tayo
Alam mo, napapangiti mo ako
Hindi mo ba alam kapag wala ka
Nalulungkot ako at nag-iisa
Pero tuluyan ka nang naglaho
Puso ay naninibago at nagsusumamo
Ano na kayang ginagawa mo?
Naiisip mo din kaya ako?
Bakit kasi ang layu-layo mo?
Andito ako pero naroon ka sa isang dako
Milya-milya ang agwat nating dalawa
Diba pwedeng magsama tayo, saglit lang?
![](https://img.wattpad.com/cover/11529326-288-k282574.jpg)
YOU ARE READING
ALL ABOUT LOVE
PuisiIto ay koleksyon ng mga tula para sa pusong nagmamahal. Malayo o malapit man sa isa't-isa, masaya o malungkot man ang istorya, maganda o masaklap man ang tadhana, patuloy pa rin natin silang mamahalin at susubaybayan, kahit sa huli an...