Bigla akong nagising at dali daling tumakbo sa banyo para ilabas ang lahat ng kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa alak o sea sickness lang. Ni hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kwarto. Hindi ko rin alam kung bakit pinili kong mag bakasyon sa isang cruise ship gayong ayaw ko naman sa dagat. In short, marami akong hindi alam sa puntong ito. Tuwing sasakay ako sa bangka o barko laging naroon ang takot kong baka lumubog ito. Hindi ko pa naman na-experience yun. Marahil bunga lang ng walang sawa kong panonood ng Titanic. Kung hindi ko lang mahal ang bestfriend ko hinayaan ko na siyang sumakay dito mag isa.
Naghilamos ako upang gumaan ang pakiramdam. At saktong may kumatok sa aking kwarto.
"Room service ma'am" aniya.
Binuksan ko ang pinto ngunit hindi siya pinapasok.
"I didn't order anything. You must be mistaken."
"No, ma'am actually tinuro pa po nung nag-order nito ang kwarto niyo." Sure ba siya?
"Kanino daw galing?" curious kong tanong. She giggled a little bago magsalita.
"He ordered me not to tell ma'am."
"Sige na. It will be our little secret." Pilit ko sa kanya.
"Ma'am baka po kasi mawalan ako ng trabaho." Ay? Sobra naman yung nag-order nito.
"Sige na nga. Sure kang walang lason 'to ha?" Tumango nalang siya habang natatawa pa sa reaksyon ko at ipinasok yung pagkain sa loob. Nagpasalamat ako at isinara na muli ang pinto.
Binuksan ko ang cover at sumalubong sakin ang nakaka-engganyong amoy ng kape. Along with it are waffles with chocolate syrup and a bowl of strawberries. Mayroon ding aspirin at maliit na card sa tabi.
'Dear Cosmo girl,
Eat up. I hope you're feeling better now"
Sino naman ang feeling close na 'to?
BINABASA MO ANG
His White Lies
Teen FictionHe's never been the type of guy who would lie. She's not the type of girl who likes liars. If this is the case, how did they end up in a story like this?