Chapter 5: Mela

1 0 0
                                    

           

Buongiorno! A lovely day to explore Italia!

"Girl ilang araw nga ang stay natin dito?" tanong ni Apple na naghahanap na agad ng mabibili sa ilang boutiques.

"Three days lang then babalik tayo sa barko via shuttle na ipro-provide nila. Ikaw hindi ka nakikinig! Paano kung pareho tayong di nakinig, maiiwan nalang tayo dito sa Italy?" sabi ko at inilagay sa buhok ang wayfarers.

"Dami mong sinabi bes. Ilabas mo nalang 'yang bago mong phone para makapag picture na tayo." At siya na mismo yung kumuha ng phone sa pocket ko.

Ilang pindot niya pa at nakuntento na siya. Nag ikot ikot kami para bumili ng souvenir. We also agreed to try yung nakita naming sa twitter once. Everynight, we would write a letter about what happened that day and we'll send it to our address back home.

"Girl asan na si Vince mo?" tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng gelato.

"Syempre may sarili din naman siyang plans no, but we'll meet tomorrow dun sa favourite cafe niya daw. Malapit lang yun sa hotel natin." Excited niyang sabi.

"And you're expecting me to be a thirdwheel?" napaka-lonely naman nito.

"No, we're just a gang of three exploring Italia!" kung hindi ko lang siya bestfriend.

Kinabukasan ay nagready kami ni Apple para sa maghapong gala. Ini-ready ko na din ang money ko just incase maisipan naming mag shopping.

"Ready?" tanong ko habang inaayos ang bag ko.

"Wait lang. Maglalagay lang ako ng cheek tint."

"Let's go. Baka mamaya iwan ka ni Vince pag pinaghintay mo ng matagal." Pananakot ko sa kanya. Agad naman siyang tumayo at kinuha ang purse niya. O diba ang bilis pag si Vince na ang pinag usapan?

Oh and by the way guys, story ko 'to ha. Mas nauna lang talagang makahanap 'tong bestfriend ko. Kung hindi lang gago yung si Harris.

"Hi" Nakangiting bati ni Vince sabay beso sa amin ni Apple.

We all ordered coffee and some sticky bunsfor breakfast. Then pinag usapan namin yung mga pupuntahan namin. Bukod sa famous spots ay nagrequest ako kung pwede kaming pumunta sa market para naman makabili ako ng ilang spices at maipagluto ko si Apple ng dinner later sa hotel. Sa buong journey kasi namin sa dagat wala siyang ginawa kung hindi mag reklamo sa pagkain.

"Welcome to the Fontana de Amore!" masayang bati ng isang local sa amin. I remembered this from the movie When in Rome. I took a picture of it and wrote the name of the fountain at the picture. I figured I should put this in my letter.

After exploring the wonderful spots we decided to go to bare land. We are now on our way to a vine yard. Taylor swift's voice is blasting from the radio. Nagdra-drive si Vince habang kami ni Apple ay todo kanta. Bilib din ako sa kanya kasi kaya niyang sakyan ang trip naming magbestfriend. He has been our photographer and driver for today. Pero siyempre para naman di siya tuluyang ma-op, hinahayaan ko silang mag moment ni Apple.

They look so cute together. And since graduate na naman kami, tingin ko ay okay lang kahit ichika ko kay tita Cecile. When we were picking grapes, medyo nag pahuli ako and I captured the right moment. The two of them were laughing at the picture. It was candid pero parang sinadya. Habang tinitingnan ko ito, hindi ko maiwasang hindi mainggit. I just hope na someday I can look this inlove again. I hope mas inlove pa. And by that time, sana sa tamang tao na.

I immediately posted the picture on instagram and tagged her. Bigla naman niya akong hinila at niyaya na papunta sa sasakyan.

"San na tayo?" tanong ko habang chine-check ang mapa.

"Next stop, the market place!" siyempre excited siya kasi ibigsabihin mabibili na naming yung ingredients para sa kakainin namin mamaya. The hotel room her parents got for us is complete. May mini kitchen then may living room din, a huge bathroom and a king sized bed. Halatang pinaghandaan nila ito.

"Perhaps you want to buy mela? Iz good." Sabi noong tinder habang inaabot ang isang apple sa amin. At doon palang nag sink in sa akin ang isang bagay.

"So kaya Grand Mela kasi Apple?" amused kong tanong sa bestfriend kong natatawa sa ekspresyon ng mukha ko.

"Actually it's the other way around. Kaya nila ako pinangalanan na Apple kasi Mela yung name ng hotel chain. Diba nga pamana lang nila lolo yun kina mommy?" paalala niya sa akin.

Bumili na rin ako ng ilang fruits para may dessert kami mamaya. Puno na ng sweets ang katawan namin kanina pang umaga. Healthy foods naman dapat. Inilagay na namin sa compartment yung mga pinamili namin at dumiretso na sa hotel. Niyaya na rin namin si Vince na doon mag dinner since medyo napadami yung binili namin. At isa pa, kanina pa namin siyang inaalila. Baka naman sabihin niya oportunista kaming mag bestfriend.

Pinaupo namin si Vince sa living room at hinila ko si Apple papunta sa kusina para maturuang magluto. She can cook naman pero hindi yung super complicated stuff. Gusto niya din sanang mag culinary arts, pero aanhin niya nga naman iyon kung sa huli ay siya rin ang mapapagiwanan ng business nila. Kaya naman masaya na siya sa simpleng pagtuturo ko sa kanya ng ilang mga putaheng alam ko.

"Remember, para hindi tumalsik yung oil, make sure na wala kahit tiny droplet ng water sa pan okay?" paalala ko sa kanya. Yun kasi ang lagi niyang nalilimutan. Kaya minsan pagbalik ko para kumuha ng kung ano ay para siyang sasabak sa digmaan at may pananggang hawak laban sa pumuputok na mantika.

"Girl, was it okay na kasama natin si Vince mag hapon? I know this was supposed to be our trip. Just the two of us. Tapos unang bansa palang nasira ko na agad."

"Ano ka ba? Okay lang. And besides madali akong magsasawa pag puro pag mumukha mo lang yung nakikita ko." Biro ko.

Nang okay na yung food. Tinulungan kami ni Vince na ayusin ang dining table. Gumawa ako ng fresh mango shake na favourite namin ni Apple.

Nag pray muna kami bago kami kumain. We are all Roman Catholics by the way. At pinalaki kaming mag bestfriend na may takot sa Diyos. Kaya naman ang plan for tomorrow ay to attend mass.

"No wonder Apple was so excited. Masarap ang luto mo." Puri ni Vince.

"Apple helped. Kaya if I were you, di ko na yan papakawalan. Magaling din siya sa kitchen." Loko ko sakanya. Natawa naman siya at binigyan ng makabuluhang tingin ang bestfriend ko. Siyempre todo blush naman ang lola niyo!  

Today ay pupunta kami sa church para makasimba. Buti nalang may English mass din dito. Maraming Pilipino ang nakasalamuha namin. Bilang mga Pilipino, todo ngitian ang bawat isa. Napaka-ganda talaga ng Philippine culture.

Pumunta kami sa sindihan ng mga kandila para humiling. And right now ,Lord, all I could wish for is happiness. Sino ba naman ang gusting malungkot diba? We smile from time to time, but it doesn't mean we're happy.

I closed my eyes as I silently said my prayers. When I opened them, bumungad sakin ang mukha ni Harris. Hindi ko ma-explain kung ano yung tingin na binibigay niya saakin. Heck, ni hindi ko alam kung siya nga ba 'to o kung namamalik-mata lang ako. I don't know if he's apologizing or asking for something or just simply looking at me.

Nang lumapit siya ay naramdaman ko nalang ang katawan kong kusang tumalikod at umalis doon habang hawak ang braso ni Apple.

"Why is he here?" tanong niya.

"I don't know. And I don't care." I said firmly. Nagpasalamat nalang dahil saktong dumating ang shuttle na maghahatid sa amin sa cruise ship.

His White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon