I can see my family's wide smiles as I walked down the stage. Finally ay natapos din ako. Buti nalang at nakauwi si daddy para sa graduation ko. Engineer siya sa isang kilalang wine company sa Europe minsan lamang sa isang taon kung makasama namin siya. Si mommy naman ay isa sa mga manager ng Grand Mela Hotels. At ang ate ko naman tulad ni mommy na manager din ngunit sa ibang branch.
Lahat sila ay nag-leave para sa espesyal na araw na 'to. Mahigpit na yakap ang natanggap ko mula sa kanila nang matapos ang seremonya.
"This is my gift to you sister." Aniya at inabot saakin ang may katamtamang laking kahon. Pagbukas ko ay agad ko siyang niyakap. Ito ang matagal ko nang inaasam na instax mini.
"Ayan ha. Ilang buwan ko rin yang pinagipunan. At syempre blue kasi alam kong favorite mo."
"Thank you so much Ate Kara!"
"Yan ang reward mo sa pag aaral ng mabuti Cams. You earned it." Itinapat ko ang lens ng camera sa aming apat at kinuhanan ng litrato ang happy moment na 'yon.
Nagtungo kami sa aming sasakyan at tumulak sa isang mamahaling restaurant. Dito ko pinangarap magtrabaho simula pa noong bata ako. Cooking is my passion and eating is my hobby. It's a perfect combination!
"Ngayon para naman sa regalo ko. Sa akin lang 'to galing ha." Saad ni daddy sa nang nanlolokong tono. Hinampas lamang siya ni mommy sa braso na mas lalo lamang nakapagpatawa sa amin ni Ate Kara. They look so inlove even until now. I wonder what their secret is. They've been married for 27 years now and the sparks are still there.
"Thanks Daddy, but you didn't have to. This is too much." Nag aalala kong sabi nang makita na iPhone 6s yon.
"It's okay. And besides balak ko naman talaga kayong ibili magkapatid. So Kara here's yours." Sabay abot din ni daddy ng kahon ng gaya sakin kay ate. Sabay kaming tumayo at niyakap si Daddy. Kahit na malaki na kami ni Ate ay bine-baby pa rin kami ni Daddy.
"Hay nako Alfonso, napaka-laki na ng mga anak natin para i-spoil mo pa." Reklamo ni mommy nang makabalik kami ni ate sa upuan namin.
"Ang sabihin mo mas maganda lang yung regalo ko kesa sa'yo." Siguro ay parte na ng pagkatao ni daddy ang asarin si mommy.
"Excuse me akin ata ang pinaka-unique na regalo." Sabi ni mommy sabay halukipkip. "Nag-aabang na ngayon sa room mo yung regalo ko Camille. I'm sure matutuwa ka." Excited na sabi ni mommy. Na-excite din ako kasi si mommy yung tipo ng tao na pinag-iisipan ang regalong ibibigay.
Dumating ang pagkain at masaya kaming kumain ng dinner. The night was filled with laughter and stories. Naramdaman kong tinapik ni Ate ang hita ko nang may namataan. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at nakita ko ang lalaking nanakit saakin ng husto. Oo nga naman, sa lolo niya ang restaurant na ito. Kasama niya ang bago niyang girlfriend.
"Hayaan na natin." Mahina kong bulong kay ate sa takot na masira ng simpleng bagay na iyon ang gabi ko.
They were serving the desserts when my daddy turned to me.
"So what are you planning to do with your money?" tinutukoy niya ay ang perang makukuha ko mula sa college plan ko.
"Hindi ko pa po napapag-isipan yan. But I'm sure it will come handy someday." Other than working, wala naman talaga akong plano pagkatapos kong mag-college.
Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami. Si Ate Kara na ang nagdrive pauwi dahil medyo pagod na din sina daddy. Tulad ng sabi ni mommy nasa kama ko ngayon ang kanyang regalo. Kami lang ang nasa kwarto ngayon dahil nagbibihis pa sina daddy at ate. She wanted to be there when I open it.
"I want you to always use that. Para kahit ano mang niluluto mo, you'll know that I'm here to support you." She said as I unwrapped her gift. It was a customized apron. It was made just for me. Of all the presents I've received today, this particular gift triggered my tears.
"You're the best mom. I love you so much." I said as I hugged her tight. I just don't know what I'd do without her.
"I love you too Camille. Sige na. You should take a rest. I know it feels like it's been a long ride for you, but I am telling you, the real journey is just about to begin." She said and kissed my hair.
I went to bed and checked my original phone for any messages and notifications. My wall was filled with greetings. I posted a simple thank you.
Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Apple, ang bestfriend ko. Sinagot ko iyon at inilagay sa aking tenga.
"Hello Apple?"
"Omg! Congrats to us Cams!" tili niya sa kabilang linya.
"Yup Finally! Goodbye sa grades, exams, pa-cool na students at coloring book na mukha!" masyado ba akong harsh? I'm sorry pero ganito ako pag kami lang ng bestfriend ko. Vocal ako pagdating sa mga bagay na napupuna ko. At lalong hindi ako yung masyadong conservative. Yung tama lang.
"Aray naman Cams! RIP sa mga natamaan." Sabay tawa niya. "Nga pala punta tayo sa mall bukas may sasabihin ako sa'yo. Kaunin kita sainyo ng mga after lunch?" wala pa nga kaming trabaho paggastos na agad ang iniisip niya.
"Bakit kailangan pang mag mall? Spill na!" pilit ko sa kanya. Gagastos pa kami sa mall kung pwede naman na sa tawag nalang niya sabihin.
"No! Dapat sa personal. I'm sure matutuwa ka. Sige na! Ciao! Loveya!" sabi niya at pinatay na ang tawag.
Ang dami pang arte. Makatulog na. Something's telling me that I will need a lot of energy for the coming days ahead. Well, atleast I got my diploma.

BINABASA MO ANG
His White Lies
JugendliteraturHe's never been the type of guy who would lie. She's not the type of girl who likes liars. If this is the case, how did they end up in a story like this?