Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting si Apple.
"Good Morning Cams!" masayang bati niya. "Oh, akala ko sabay tayong magbre-breakfast? Ba't um-order ka pa?"
"Pinadala lang yan." Sabi ko at inabot sa kanya ang card na kasama.
"Who's this? And wait, bakit ganyan ang suot mo?" hindi pa pala ako nakakapagpalit ng damit.
"Long story. At hindi ko rin alam so don't ask me."
"Baka naman si Harris." Nagkibit balikat nalang ako at kumagat sa isang strawberry. Inilapit ko sa kanya ang bowl para makakuha din siya.
"Nga pala, since VIP naman tayo dito, pumayag yung head ng kitchen na magluto ka doon para sa lunch natin nina Vince." Masaya niyang sabi. Masyado naman yata siyang nawiwili sa pag kain ng luto ko. Hindi ko naman siya matanggihan dahil kung hindi dahil sa kanya ay wala ako dito ngayon.
"Ikaw ha, baka naman mamaya mapatapon tayo sa dagat dahil sa mga kalokohan mo." Banta ko sa kanya.
Pag katapos naming ayusin ang mga pinamili namin sa Italy ay naghanda na kami para sa tanghalian. Pinili ko ang isang high waist pants na mint green at white cropped top. Nilapitan kami ng isa sa mga staff at inilahad ang daan patungo sa kitchen.
"Are you sure it's okay? I don't want to be a burden to anyone." Maingat kong tanong sa babaeng mukhang British.
"Ofcourse. It's a pleasure to have you ma'am." Saad niya at binigyan ako ng isang apron at hairnet.
Kinausap rin ako ng Head chef sinabing wag daw akong mahiyang gamitin ang mga ingredients doon. At since ang madami roon ay seafood, I decided to cook some simple family recipes, buttered shrimp, fish fillet with sweet and sour sauce and yung favourite ni Mommy na stuffed crab.
Si Apple? Siyempre kasama yung "special friend" niya. If I know baka sila na. But then sasabihin naman niya sakin kung ganon.
Kanina pa akong pauli uli dito sa buong kitchen pero di ko pa rin makita yung carrots. Kaya napilitan akong humingi ng tulong. Nang may makita akong mukhang Pilipino ay agad ko siyang nilapitan.
"Excuse me, Pilipino ka right?" maingat kong tanong.
"Uhm. Opo. Can I help you?" napaka-approachable talaga ng mga Pilipino.
"Hindi ko kasi makita yung carrots. Kanina ko pang hinahanap."
"Ahhh. Nandito po ma'am." Sabi niya at kinuha ang isang basket na may carrots at tomatoes.
"Thank you so much. Pasensya ka na sa abala." Sabi ko at kumuha ng ilan.
Tumango lamang siya at bumalik sa kanyang ginagawa.
Nang matapos ako sa tatlong putahe ay inayos ko ang plating nito at humiram ng food cart.
"Ma'am Camille kami na po ang magse-serve." Pag pupumilit ng isang water. Pero mas makulit ako kaya sabi ko ay ako na ang bahala.
"No it's okay. Masyado na akong nakagulo sa kusina. It's really okay." Hinayaan niya na rin ako nang ma-realize na hindi niyang hindi siya mananalo.
Paglabas ko sa kusina ay nakaalis na ang hairnet ko ngunit suot ko pa rin ang apron na bahagyang namantsahan.
Hinahanap ko kung saang lamesa nakaupo sina Apple ngunit una kong nakita si Mr. Abs na binibigyan ako ngayon ng nagtatakang tingin kasama niya yung dalawa pa niyang pamilyar na kaibigan. At pagkatapos ay nakita ko na ang kumakaway kong bestfriend. Ilang lamesa lang ang pagitan namin. Pilit kong iniiwasan ang mga tingin niya nang papalapit ako sa lamesa namin habang itinutulak ang food cart.
Nang makalapit ako ay tsaka ko pa lamang napansin na may kasama kami. Hindi ko alam kung paano niya napapayag ang bestfriend ko na kumain kasama kami pero ang tigas ng mukha niya para magpakita pa.
Tumayo siya para tulungan akong i-serve ang pagkain. Hinayaan ko siyang tumulong at tinapunan ko ng tingin ang kinakabahang si Apple.
"Sorry." She mouthed. Nagkibit balikat nalang ako dahil wala na din naman akong magagawa. He's already here. Inalis ko ang aking apron at ipinatong iyon sa ibabaw ng food cart.
Hinila niya ang upuan para saakin at umupo na din siya sa tabi ko. Nang napatingin ako kay Mr. Abs ay hindi na siya saakin nakatingin kundi sa katabi ko. Confirmed! Bading siya mga atengs!
"Sorry for barging in like this. Gusto lang kitang makausap." He said trying to explain.
"Let's just eat first. Mamaya na ang usapan okay?" sabi ko with matching ngiti pa. Mukha naman siyang nabunutan ng tinik nang makita ang maliit na kurba sa aking labi.
Kasisimula palang namin kumain ay lumapit saamin ang babaeng nag dala sa amin sa kusina kanina.
"Excuse me, sorry for interrupting your meal. But may I speak with you Ms. Camille?" tumango ako at tumayo. Shit, baka kung anong nagawa ko.
"What is it?" marahan kong tanong.
"A very special guest saw you serving the food you prepared and he kinda craved and asked if you could prepare another batch? Please understand ma'am. I know this request is kinda weird but this guest is beyond VIP." Nahihiya niyang sabi. Napangiti ako nang maalalang napadami ang luto ko kanina.
"It's okay. May I know who this guest is?" I asked.
"It's sir James." Simple niyang sagot. Napatingin ako kay Harris na mukhang wala namang kaalam alam sa mga nangyayari. Kapangalan lang siguro. I sensed, na siguro ay confidential ang identity niya kaya hindi niya na ibinigay ang surname nito. Nagpaalam ako sa mga kasama kong babalik din ako agad. Pumasok ako sa kusina at kinuha ang sobra sa mga niluto ko kanina. Ginawan ko iyon ng mas maganda pang plating at hinayaan ang isa sa mga waiter na mag serve ng pagkain. Hindi rin naman ako iteresadong makilala ang taong iyon.
Itinuloy namin ang pagkain at hindi rin naman nila ako inusisa kung bakit ako umalis. Busy sila sa pagkain. Oh well, hindi ko sila masisisi. Masarap ang luto ko. Hahaha siyempre joke lang yun. Patay gutom lang talaga sila.
BINABASA MO ANG
His White Lies
Novela JuvenilHe's never been the type of guy who would lie. She's not the type of girl who likes liars. If this is the case, how did they end up in a story like this?