Chapter 2: Cruisin' Together

2 0 0
                                    

Ginising ako ng mabangong bacon na unti unting naluluto sa kusina ngayon. Nagtoothbrush ako para makababa na at makakain ng breakfast.

May nakahain doong bacon, fried rice, eggs at tapa. Pumunta ako sa coffee maker at agad na ginawan si daddy ng coffee. Minsan lang namin siya nakakasama kaya naman pag nandiyan siya ay sobra namin siyang inaasikaso.

Sunod namang bumaba si Ate at gumawa ng fresh orange juice. Nilagyan pa niya ng mini umbrellas ang baso para maging mas maganda tingnan.

Pagdating ni daddy ay nakahanda na ang lahat.

"Parang ayaw ko nang umalis ah." Sabi niya sabay upo sa dining area.

"Pwede naman po na hindi na kayo umalis diba? Tapos na naman po ako ng pag aaral. I think you can retire na naman po." Natawa lang si daddy sa sinabi ko.

"Baby, kailangan ko pa ring mag-ipon para sa amin ng mommy mo. Ayokong pagdating ng katandaan namin ay umasa kami sa inyo ng ate mo." Sabi niya at marahang tinapik ang aking balikat.

"Pero diba yun naman po talaga ang responsibilidad namin?" tanong ni ate.

"Alam niyo, nasa tamang edad na kayo. You should think about getting married. Wag niyo kaming alalahanin ng mommy niyo. And besides I love my job and your mom loves her job too. Lalo lang kaming manghihina kung nasa bahay lang kami." Saad ni daddy at nagsimula nang kumain.

Pinuri niya ang coffee ko at pinayuhan akong magtayo ng sariling coffee shop. Tutulungan niya daw ako sa mga gastusin. It was a good offer but my heart and mind is reserved for something else. And I won't give up that dream just because some rich spoiled bastard broke my heart.

Nanood lang kami ni Ate ng konting movie at tumaas na ako para maghanda para mamaya. Kumuha ako ng simpleng shorts at grey na v-neck shirt. Share kami sa bathroom ni Ate. Hindi naman ganoon kalaki ang bahay namin para mag tig-isa pa kami. And besides napaka-liit ng pamilya namin para sa isang malaking bahay.

Binuksan ko ang takip ng lalagyan at nilagyan ang kamay ko ng strawberry flavoured na shampoo. Naghilamos ako at tinanggal ang mga tira-tira pang make up galing kagabi. Paglabas ko ng banyo ay nagbihis na ako at nagpabango. Naglagay din ako ng pulbos at konting pink na lipstick. Ganito ako kahit noong nagaaral pa kami. Konting pulbos at lipstick lang ay go na agad!

Inilagay ko sa maliit kong bag ang wallet, panyo at dalawa kong cellphone. Ipapa-cut ko yung sim ko para mailagay na sa bago kong phone. Nang marinig ko ang busina ng sasakyan ni Apple sa labas ay bumaba na ako at humalik kay mommy at daddy.

"Punta lang po ako sa mall kasama si Apple." Paalam ko sa kanila.

"Sige mag iingat kayo. Sabihin mo kay Apple ay dahan dahan sa pagpapatakbo ha?" paalala ni mommy.

"Sige po." Sabi ko at tuluyan nang lumabas sa bahay namin.

Umupo ako sa shotgun seat at bumeso kay Apple na ngayon ay naka-shades.

"I am so excited na talaga! My mom and dad got me an all expensed cruise trip to Europe." Saad niya habang masayang nagdra-drive.

"Oh ano namang kinalaman ko diyan?" nagtataka kong tanong.

"It's a trip for two. Gusto nilang isama kita since sadya naman daw iyong para sa ating dalawa. At kahit naman di nila sabihin sadyang ikaw ang isasama ko." She's an only child kaya naman simula noong bata pa kami ay itinuring niya na akong kapatid. Itinuring na rin akong pangalawang anak nina Tito Ronan at Tita Cecile. Sila ang may ari ng Grand Mela Hotels kaya naman lahat ng gustuhin niya ay bigay agad. Pero hindi siya tulad ng ibang mga anak mayaman diyan na spoiled brats. She's actually kind.

"Nako, wag na. Nakakahiya naman kina tita. All expensed pa yung trip." Agad siyang napasimangot sa sinabi ko.

"Napaka-nega mo talaga. Hindi ba mas nakakahiya kung hindi mo tatanggapin kasi bayad na yun lahat? Sige na. Magtatampo si Mom at Dad pag hindi mo tinanggap."

"Hmmm. Sige pag iisipan ko. Tsaka itatanong ko muna sa parents ko kung okay lang." Sabi ko at umayos ng upo.

"Oh that? No need. Matagal kana daw naipagpaalam. It's been a while na din kasi since they planned this." So ako nalang pala ang hinihintay nila?

"Okay. Pero pag lumubog yung cruise ship ikaw ang sisisihin ko. I don't want to be a shark's snack." The deep blue really scares me.

"Ang OA mo. You're not gonna be a shark's snack, dinner maybe." Sabi siya at na nakapagpatawa sa aming dalawa.

Pinarada niya ang kanyang sasakyan at pumasok na kami sa mall. Habang hinihintay naming na ma-cut yung sim ko ay nagkwentuhan muna kami.

"I saw him last night."

"HIM? As in Harris James Jimenez? " tanong niya at tumango ako. "Anong ginawa mo?"

"Wala. Ano bang dapat gawin ko? He was with his girl and I was with my family. I didn't want to ruin the night."

"That bastard. Napaka-walang kwenta niya talaga. And that Cassandra bitch is nothing but a flirt." Kita niyo? Mas hysterical pa siya kesa sakin.

"Wag ka ngang maingay. Mamaya may makarinig sa'yo na kaibigan nila." Sabi ko sabay open sa phone ko na ngayon ay may sim na.

"Better! They don't even deserve to have friends."

Pumasok kami sa isang kilalang boutique at pumili ng mga dress.

"We need new bikinis." Sabi niya at dinala ako sa bilihan ng mga swimsuit. Bumili lang ako ng dalawang pair at binayaran na iyon.

"Mas feel ko 'tong white at red pero mas cute yung pink." Kanina pa kaming nandito dahil hindi siya makapili. Tatlo na ang napili niya at hindi siya makapag desisyon kung alin sa dalawa ang kukumpleto sa Trip to Europe collection niya.

"Just choose one para makakakain na tayo! I'm starving." And she ended up buying both. Sarap sapakin no?

Nang makarating kami sa isang fast food chain ay um-order ako at nadatnan siyang kilig na kilig sa isang tabi.

"Bakit parang naku-kuryete ka na naman diyan?" tanong ko sa kanya.

"Ang po-pogi!" she silently squealed. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin at nakitang tama siya. May tatlong lalaki na naka-upo malapit sa amin. At hindi lang kami ang napapatingin sa kanila. Kahit yung may mga asawa na ay namamangha sa mga nilalang na ito. May narinig pa akong nasamid sa iniinom na softdrinks. Agad akong nag-iwas ng tingin nang mapatingin sakin ang lalaking may dark brown na buhok at malalim na mga mata.

"Shit ang gwapo nga." Bulong ko kay Apple at sinimulan nang kumain. Sinenyasan ko siyang kumain na rin at tigilan na ang pagpapantasya sa tatlo.

When they left, I saw disappointment in everyone's faces. Kahit ang mga crew ay nakasunod ang tingin habang paalis ang tatlo sa kainan.

Gwapo sila at makikita mo ang karangyaan kahit sa lakad palang nila. They were the kind of men that make women drool. But not me. Hindi na ako magpapauto pa sa mga poging mayaman. Never again. I promised that the day I finally got over Harris.

His White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon