I looked at the huge cruise ship with my wayfarers on. I took a picture with my instax and turned to Apple.
"Sure ka na ba? We can still back out." Please tell me it's okay to be this paranoid.
"Oo naman. Ano ka ba? This will be fun just you and me on this cruise for weeks."
She's right. This is the time for us to relax before we start working. After ng trip na ito ay may job interview ako sa La Internationale Cuisine na siyang matagal ko nang pinapangarap. I hope na makapasa ako.
"Welcome aboard ma'am." Bati ng mga crew na nakaabang sa entrance.
Halatang bago pa ang barko dahil sa mga nagkikintabang muwebles at matingkad pa nitong pintura. Iginiya kami ng isa sa mga crew sa aming kwarto. Tig-isa kami ng tutuluyan at magkatabi lamang iyon. Malaki ang kwarto at makikita ang sophistication at pagka-modern dahil sa mga gamit na nasa loob.
I browsed the brochure as I sat on my bed. Maraming activities ang pwedeng gawin dito. Mayroon ding casino, bowling alley, swimming pool at kung ano-ano pa.
May kumatok at pagbukas ko ay bumungad saakin ang naka-mini dress na si Apple na handa nang magliwaliw. Nagpalit din ako at sinimulan naming libutin ang buong barko. Tuwang tuwa siya nang nalamang may mall dito.
"You know what? I'm really glad that you're here with me." Sabi niya habang nagwi-window shopping kami.
"Me too. Thank you again for this." Sabi ko.
Tumunog ang phone ko at sinagot ko iyon ng makitang si mommy ang tumatawag. She asked if I was okay. Marami din siyang binilin. I assured her everything's okay at hindi niya ako dapat alalahanin. Yung pera na natanggap ko galing sa college plan ang gamit kong pocket money so I'm sure na hindi ako masho-short financially.
Paglingon ko kay Apple ay may kausap na siyang foreigner na tinutulungan siyang pulutin ang mga gamit niya. Hinayaan ko muna silang mag usap saglit at nang magkamayan sila ay um-epal na ako.
I fake coughed and caught their attention. "Uhm. Vince,this is Jamie Camille, my bestfriend." She said and he offered his hands for a handshake. I gladly took it. "Hi, I'm Vince." Pakilala niya.
"We have to get going. See you around." She fluently said that made his face show a slight hint of disappointment.
" Bakit nagmamadali ka?" nagtataka kong tanong.
"Hindi ko na kasi alam kung anong sasabihin ko. Name-mental block ako sa kagwapuhan niya." O diba? Kahit ditto sa cruise ay dala niya ang kaharutan niya.
"Baliw ka. Pano kung siya na si walang kamatayan mong "THE ONE". Ikaw pa naman tong napaka-hopeless romantic sa ating dalawa." Aaminin ko, I believe in destiny and true love, pero dati yon. Bago binago ni Harris ang pananaw ko sa love. I don't need that kind of love, not right now.
"Ewan ko ba. Siguro I need some sort of sign muna before I start assuming." Ayan. Buti at natuto ka na. Ikaw ba naman ang buwan buwan na atang umiiyak dahil sa dami ng inakala niyang si THE ONE niya. Turns out ONE BIG MESS pala ang lahat.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at narrating naming ang parte kung nasaan ang swimming pool. Nakaka-engganyo ito tingnan. Para bang tinatawag ka ng tubig nito. Agad kaming bumalik sa kwarto upang makapag palit ng swimsuit. Wala naman masyadong tao roon. Marahil ay naglilibot din sila.
Ibinaba ko ang bag ko sa isang table na katabi ng isang sun lounger. Excited na ako! Tumawag naman si Apple ng waiter para yata um-order ng merienda.
"Bring us some cheese sticks and two mango shakes. Thanks." Sabi niya at niyaya na rin akong lumusong sa tubig.
"Remember when we were kids? When we took swimming lessons tapos si tita Sallie akala nalulunod ka, but the truth was hindi mo lang talaga magawa ng ayos yung pinapagawa nung coach?" wala akong magagawa! Yun naman kasing coach naming, nakakatatlong session palang kami akala mo kaya na naming yung ginagawa nung pros. And duh, we were only 8 years old then.
"You can't blame me, kita mo naman kung gano kaarte ang baklang iyon." Nang dumating ang order naming ay umalis muna kami sa tubig at kumain. Masarap ang cheese sticks nila dito, pero mas masarap pa rin yung cheese sticks ko. Hahaha masyado bang confident?
"Girl, why don't you work here? It looks like they need some good cooks." Sabi niya habang dahan dahang nginunguya ang cheese sticks.
"You already know the answer to that." I said plainly.
"Are you really out of your mind? Magtra-trabaho ka sa restaurant na pag aari ng pambansang gago na pinagdusa ka ng anim na buwan?" she almost shouted. Hindi rin kasi uso sa kanya ang salitang privacy. Balak ata ipaabot sa TV patrol ang pagkasira ng lovelife ko.
"Una sa lahat, kumalma ka. Napaka praning mo din naman kasi. Pangalawa, he doesn't own that restaurant, his grandparents does. So it's not his. At pangatlo, it will take more than one asshole to ruin my dream." I said trying to emphasize the grandparents and asshole part.
"Whatever you say." Napatigil kami nang may tumigil sa tapat naming na naka-one piece swimsuit na black at may malaking hat sa ulo. When I looked, I was surprised. My goodness, he didn't even change a bit. Yes, this right here is a he.
"Hi coach Jessy!" masiglang bati ni Apple. Ito yung napaka-terror na coach naming dati sa swimming. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kanya. Bigla niya akong tinulak sa pool noong bata pa ako, as if naman matututo akong lumangy sa pag tulak niya.
"Oh hi Apple." Bati niya at binigyan ako ng isang mapanuring tingin. "Oh it's you. Yung batang hindi matutong lumangoy kahit anong gawin ko." Pigilan niyo ko! Gagawin ko talagang swimming trunks ang one piece niya.
"Maybe you were just not an effective coach." I said then gave her a sarcastic smile. Sorry for being a bitch, but I'm just returning the favor. Umalis din siya at pumunta sa isang malapit na upuan. Hmmm. Mapakitaan nga ang baklang ito.
Pumunta ako sa dulo ng pool at ramdam ko ang pagsunod ng tingin niya. I dived gracefully into the water and swam freely under. Dire-diretso na sana ako ngunit may nabangga akong matigas na bagay.
"Ouch. Was that a wall?" I said while wiping my eyes to see what interrupted my show off.
"Sorry miss, but next time you should look at where you're going." So it's a guy? Baka nga makita ko. I was underwater for pete's sake. I think it's fine to close your eyes unless you want them to hurt so bad.
"I'm sorry too. I was just enjoying myself." I said then turned away. Great! Ngayon mas lalo lang akong nagging talunan sa mata ni bakla!
Nanggagalaiti ang mata ni bakla ng dumaan ako. Dukutin ko kaya ang mata niya. Si Apple naman mukhang uod na nasabuyan ng asin,
"Girl kalma. Ano nakita mo si Vince?" tanong ko habang nag pupunas.
Umiling iling siya habang nakakagat labi.
"So ano nga?" nginuso niya lang yung lalaking nabunggo ko kanina. Matamang nakatingin sakin yung lalaki. Hmm. Nakita ko na 'to e. Anyway, who cares? Maarte pa siya sa bakla. Bading na may abs, okay na din.
BINABASA MO ANG
His White Lies
Roman pour AdolescentsHe's never been the type of guy who would lie. She's not the type of girl who likes liars. If this is the case, how did they end up in a story like this?