Chapter 6: Cosmos All Night

3 0 0
                                    

"Let me explain." Nagulat ako nang pumasok din siya sa loob ng shuttle.

"What are you doing here?" iritado kong tanong.

"I'm on that ship too." Panira talaga ng bakasyon. Hindi nalang ako sumagot at inilagay ang earphones sa aking tenga.

I don't have time for his bullshits. Siguro noon oo, but I've had enough. And enough is enough. Kakalabas ko lang sa madilim na parteng iyon ng puso ko, wala na akong balak bumalik pa.

Marahas niyang inalis ang earphones ko na mas lalo ko lang kinainis. "Can you just listen?"

"Ang kapal mo rin 'no? Listen? Huh? When I was asking for a reason, did you even hear me out?" Natahimik siya at napatungo sa sinabi ko. "Thought so." Sabi ko at umupo ng maayos at inilagay muli ang earphones.

So ano nang nangyari sa bago niyang babae? Nasira? Pinagsawaan? Naluma? I just hope na yung babae ang nangiwan sa kanya. Para kahit naman papano ay malaman niya na hindi kami laruan. Stupid spoiled brat. Sabi nga ng mga matatanda, hindi ko kailangan ng batong ipupukpok sa ulo ko.

Sabihin niyo nga sa'kin sinong matinong lalaki ang igi-give up ang more than one year niyong relationship in the middle of the night at sasabihin nalang basta na hindi ka na niya mahal.

I should've known better. With all his wealth and good looks, pakiramdam niya ay madali lang palitan ang isang katulad ko. Kahit nasaktan ako, oo aaminin ko, gwapo nga siya at may maipagmamalaki. Pero sa kabila ng mga iyon ay umaalingasaw ang mabaho niyang ugali.

Pagkababa namin ng shuttle ay akmang magsasalita siya ngunit pinangunahan ko na siya. "If you really want to talk, wait for this damn trip to end. Tsaka tayo mag usap." I said calmly and I walked out gracefully out of there.

"Ang taray mo naman girl." Nangongonsensyang sabi ni Apple. Nagkibit balikat nalang ako at hinigit ang maleta ko pabalik sa aking kwarto.

Humiga ako sa kama at biglang tumulo ang luhang kanina ko pang pinipigilan. Masakit. Sobra. He was my first love, my first kiss, my first heartbreak. May mga bagay na minsan mas magandang ikaw lang yung nakakaalam. Kasi meron tayong mga nararamdaman na hindi kayang idaan sa salita.

Nang magising ako ay gabi na. Nako hindi na ako makakatulog nito. Kumatok ako sa pinto ni Apple ngunit walang sumagot. Siguro ay tulog na 'yon. Naglakad lakad ako at nakarating sa hindi pamilyar na daan. May naririnig akong tugtugan at sinundan ko iyon. Ilang hagdan paat natunton ko ang lugar na pinagmumulan ng ingay. It was a bar. Crowded sa loob at paniguradong hindi kayo magkakarinigan ng kausap mo.

Umupo ako sa may bar counter at um-order ng cosmo. Guminhawa ang pakiramdam ko nang makaubos ako ng isa. So I requested the waiter to keep the drinks coming. May umupo sa tabi ko at balak atang makipagkwentuhan. This guy right here is Mr. Abs.

"Are you alone?" tanong niya.

"Mukha ba akong may kasama? Stupid."

"Watch your words miss. Epekto ba yan ng alak o sadyang ganyan ka lang magsalita?" nangaasar niyang tanong.

"Yung pambu-bwisit mo ng ibang tao, epekto lang din ba ng alak o sadyang makapal lang ang mukha?" lesson learned guys? Wag ako ang guluhin niyo pag may inom. Hindi ko kayo aatrasan sa trash talk. Kaya kung makasalubong niyo man ako sa bar, ilibre niyo nalang ako ng drinks kung gusto niyong magkausap tayo ng maayos.

"I don't think it's right to answer a question with a question."

Gusto ko sana siyang sabihan ng "Ang dami mong alam." But I know better than that. So instead I said, "Just get to the point. Why are you really here?" tanong ko sa kanya with matching taas kilay pa.

"Since you put it that way. Ano bang type mong lalaki?" sinasabi ko na nga ba. Panigurado puro kamanyakan lang ang habol nito. But still, I know better.

"Surely, hindi ikaw." I said and took a sip from my 4th glass of cosmo.

"Paano mo naman nasabi? You don't even know me." Oh believe me I do!

"By the looks of it, you're just one of the rich kids here who likes to waste money and who loves to play with women." I said while intently looking into his eyes.

"Ouch. Don't be so judgemental baby. And look who's talking? Sino kaya satin ang kanina pang nakaupo dito at balak yatang ubusin ang stock ng cosmopolitan sa barko?"

"Sorry to say, but this is an all expensed trip that was given as a gift to me and my bestfriend, by her parents. Hindi ako mayaman at lalong ayoko sa mayaman. And don't call me baby, hindi ako sanggol. I will never fall for stupid rich jerks." Nakita kong bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. Siguro naman ay susuko na siya. Malamang sa malayong table ay pinagpupustahan lang nila ako ng mga kaibigan niya.

"What made you think I'm rich? At bakit ayaw mo sa mayaman?" curious niyang tanong. Mukhang tinamaan na ako ng alcohol. My eyes are feeling heavy. Ipinatong ko ang ulo ko sa may counter at tinaboy siya palayo.

"Umalis ka na nga! Just leave with all your stupid questions! I don't think I owe you any explanation." Pumikit ako at sumunod nalang sa gusto ng sistema ko. Ang matulog.

Bigla akong nagising at dali daling tumakbo sa banyo para ilabas ang lahat ng kinain ko kagabi. Hindi ko alam kung dahil ba 'to sa alak kagabi o sea sickness lang.

Naghilamos ako upang gumaan ang pakiramdam. At saktong may kumatok sa aking kwarto.

"Room service ma'am" aniya.

Binuksan ko ang pinto ngunit hindi siya pinapasok.

"I didn't order anything. You must be mistaken."

"No, ma'am actually tinuro pa po nung nag-order nito ang kwarto niyo." Sure ba siya?

"Kanino daw galing?" curious kong tanong. She giggled a little bago sabihin.

"He ordered me not to tell ma'am."

"Sige na. It will be our little secret." Pilit ko sa kanya.

"Ma'am baka po kasi mawalan ako ng trabaho." Ay? Sobra naman yung nag-order nito.

"Sige na nga. Sure kang walang lason 'to ha?" Tumango nalang siya habang natatawa pa sa reaksyon ko at ipinasok yung pagkain sa loob. Nagpasalamat ako at sinarhan na muli ang pinto.

Binuksan ko ang cover at sumalubong sakin ang nakaka-engganyong amoy ng kape. Along with it are waffles with chocolate syrup and a bowl of strawberries. Mayroon ding aspirin at maliit na card sa tabi.

'Eat up. I hope you're feeling better now.'

Sino naman ang feeling close na 'to?

His White LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon